ROAD CLEARING OPS TULOY – DILG

TULOY ang road clearing operation ng lahat ng pamahalaang lokal sa bansa ngayong Enero, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ayon kay Undersecretary Jonathan Malaya, sa Enero 15 ang deadline ng operasyon.

Ngunit inilinaw ni Malaya, ang paglilinis sa mga kalsada mula sa lahat ng sagabal dito ay trabaho ng mga opisyal sa mga pamahalaang lokal sa loob ng buong taon.

Inilinaw rin ng tagapagsalita ng DILG, partikular na inaasahang matatapos sa Enero15 ang road cleaning operation sa mga rehiyon na pasok sa kategoryang modified enhanced quarantine (MECQ), batay sa Memorandum Circular No. 2020 – 145.

Ang paglilinis sa mga kalsada sa buong bansa ay implementasyon ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na inihayag nito sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 2019.

Layunin ng utos ni Duterte ay malutas ang suliranin sa matinding trapik.

Batay sa pag-aaral ng isang dayuhang institusyong mayroong tanggapan sa bansa, pumapalo sa P2 bilyon hanggang P3 bilyon ang nawawala kada araw sa ekonomiya dahil sa matinding trapik. (NELSON S. BADILLA)

167

Related posts

Leave a Comment