ROBIN SA MGA SANGKOT SA SMUGGLING: HINDI PWEDENG PURO SORRY!

HINDI sapat ang paghingi lamang ng tawad ng mga opisyal ng gobyerno na nasasangkot at nagsisilbing protektor sa smuggling.

Sinabi ni Senator-elect Robin Padilla na dapat awtomatikong mag-resign sa kanilang posisyon ang sinumang opisyal na iniimbestigahan kaugnay sa alegasyon ng katiwalian.

Iginiit ni Padilla na dapat magkaroon ng accountability ang bawat opisyal na nasasangkot sa katiwalian.

“Bakit tanggalin lang? alam nyo ang itinuro po sa akin ng Development Academy of the Philippines. Dito sa ating bayan kulang sa accountability ang mga nakaposisyon sa gobyerno, hindi pwedeng puro sorry,” pahayag ni Padilla.

“Kayo ay nanumpa sa harapan ng Panginoong Diyos at nanumpa sa harapan ng taumbayan na kayo ay magsisilbi at poproteksyunan nyo ang sambayanang Pilipino tapos kayo ang maguumpisa ng kalokohan aba eh heinous crime sa akin yan. Dapat dyan, hindi lang mag-asawang sampal ang pabaon diyan…dapat sikmuraan din,” dagdag ni Padilla.

Kasabay nito, binigyang-diin ni Padilla na dapat solusyonan ng gobyerno ang problema sa smuggling dahil nakakahiya anya ang Pilipinas na bilang agricultural country ay nag-iimport ng bigas at isda.

“Hindi ba tayo nahihiya niyan, agricultural country tayo pero nag iimport tayo ng bigas, nag-iimport tayo ng isda. Pambihira, napakapambihira nun,” diin ng senator-elect. (DANG SAMSON-GARCIA)

208

Related posts

Leave a Comment