ROCKET DEBRIS POSIBLENG BUMAGSAK SA LUZON AREA

NAGLABAS ng babala ngayon sa publiko ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa posibleng pagbagsak ng rocket debris mula sa himpapawid sa bahagi ng Luzon dahil sa nakatakdang paglulunsad ng Long March 7 rocket ng China sa pagitan ng Hulyo 15 hanggang 17.

Batay sa inilabas na abiso ng NDRRMC, ang posibleng maging drop zones ay sa bisinidad ng Cabra Island, Occidental Mindoro; Recto Bank; Busuanga, Palawan; at Bajo de Masinloc malapit sa Zambales.

“The Chinese rocket will be launched from Wenchang Space Launch Site in Wenchang, Hainan between 0200H-0600H Philippine Standard Time. Parts of the rocket are expected to drop within the identified drop zones,” ayon sa NDRRMC.

Sakaling bumagsak sa mga area na nabanggit ang basura ng ilulunsad na rocket ng China, ay inabisuhan ng ahensya ang publiko na iwasan ang pagpunta malapit sa debris.

“Philippine Space Agency cautions everyone against retrieving or coming near these materials to minimize risk from remnants of toxic substances such as rocket fuel,” paalala ng NDRRMC.

“Personal Protective Equipment (PPE) is recommended when contact with the debris is necessary.”

Kaugnay nito, nagbabala rin ang NDRRMC sa Philippine Coast Guard, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, at Department of Environment and Natural Resources NAMRIA, na ikonsidera ang pagpapatupad ng temporary restriction at pag-isyu ng temporary na sail zone o notice to mariners at coastal navigation warnings.

(JESSE RUIZ)

69

Related posts

Leave a Comment