ROSAS, VIOLATION TICKETS SA ILLEGAL PARKING SA MAYNILA

KATUWANG ang Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB), muling nagkasa ng operasyon ang MMDA sa lungsod ng Maynila nitong Valentine’s Day.

Pinangunahan nina MMDA Asst. General Manager for Operations Asec. David Angelo Vargas at MMDA Officer-in-Charge Gabriel Go ang nasabing operasyon.

Target ng operasyon ang ilang mga sasakyan na ilegal na nakaparada sa gilid ng pangunahing mga kalsada at Mabuhay Lanes.

Gayundin ang mga bahay at tindahan na sinakop na ang path walk at gilid ng kalsada.

Partikular na ikinasa ang operasyon sa Brgy. 662, Zone 71, na una nang inireklamo sa tanggapan ng lokal na pamahalaan.

Sa nasabing operasyon ng MMDA, binigyan ng rosas na may kasamang violation ticket ang nahuling lumabag na mga motorista.

(JOCELYN DOMENDEN)

268

Related posts

Leave a Comment