RURU MASAYA SA BADING NA SUPPORTERS

ruru200

SCENES(NI ROMMEL GONZALES)

Guwapong hunk, ano ang reaksyon ni Ruru Madrid na maraming bading ang nagnanasa sa kanya?

β€œSobrang masaya kasi actually ako po kasi, nakikita ko po kasi ang suporta ng LGBT community, na sobrang solid!

β€œNa to the point na ibang klase, na makikita mo na solid silaΒ  sa iyo, na grabe ang suporta nila sa iyo.

β€œAt tsaka wala po kasing sobrang bastos na sinasabi. Kumbaga hindi po nila ako binabastos. Natutuwa po ako sa mga comments nila every time na nagpo-post ako ng picture sa Instagram, ayun.

β€œMasaya naman.”

Never raw siyang naging homophobic.

β€œKahit nanay at tatay ko maraming kaibigan na bading.”

Uso ang sex video scandal sa mga male stars, pero si Ruru raw ay siguradong wala siyang scandal.

β€œOne hundred and one percent sure!”

Hindi raw siya nakikipag-chat sa mga taong hindi niya kilala.

β€œKapag random people, hindi. Eversince. Iyon siguro yung mapa-proud ako sa sarili ko.”

Ang iba kasi ay kalimitang sa pakikipag-chat nabibiktima.

β€œYung ganun po kasi, paminsan hindi natin maiiwasan. Ako po honestly, sa akin kahit po tingnan natin ang Instagram ko maraming nagme-message sa akin na mga random people, random girls na una dadaanin ka nila sa chat, β€˜Hi, hello, fan mo ako,’ ganyan-ganyan.

β€œSiyempre ako titingnan ko yung profile nila, makikita mo talaga na sexy sila, ganyan-ganyan. Pero hindi na to the point na kailangan mo pang patulan.

β€œSiguro mas okay na yung taong kilala mo na lang ang kausapin mo.

β€œKasi di ba, bata pa lang tayo tinuturuan na tayo ng mga magulang natin na don’t talk to strangers, di ba?”

Kahit napakaseksing stranger, iiwasan niya?

β€œAko kasi, siguro it’s better na makilala mo personally kesa thru phone. Kasi ngayon kailangan nating maging maingat kasi nangyayari na po yang mga ganyan, di ba?

β€œSo kumbaga meron ng mga patnubay, pinapakita nila na dapat hindi mo gayahin ito para hindi ka matulad sa ganyan, para hindi ka na magkaproblema ng ganyan.

β€œSo ako, eversince naman. Siguro may mga nakakausap [chat] ako pero kilala ko,” kuwento pa ni Ruru na malapit ng mapanood sa Toda One I Live with Kylie Padilla sa GMA.

Umamin si Ruru na may mga random na tao na itsa-chat siya at hihilingin sa kanya na maghubad siya at ipakita ang kanyang pagkalalaki!

β€œHindi ko po nire-reply-an.”

Ang payo niya sa mga may sex video scandal o maaaring masangkot pa sa ganitong kontrobersiya…

β€œSiguro iyon nga po, better na bago natin kausapin yung isang tao, lalung-lalo na sa social media, kilalanin muna natin or i-make sure natin na makikita natin sila sa personal.

β€œSiyempre hindi natin maiiwasan, kailangan nating makipag-date, kailanganΒ  nating kumilala ng mga bagong tao, pero mas maganda na kilalanin mo sa totoong buhay, hindi sa cellphone, sa video call or sa computer.

β€œKasi wala e, delikado na e, sobrang delikado. Para lang makaiwas,” sinabi pa ni Ruru.

 

 

353

Related posts

Leave a Comment