Sa kabila ng kakulangan sa military assets PROTEKSYON SA SOBERANYA NG PH TINIYAK NG AFP, PCG

TINIYAK ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippine at maging ng Philippine Coast Guard (PCG), na hindi hadlang ang kakulangan ng mga asset para bantayan ang karagatan ng bansa at igiit ang karapatan sa mga inaangking teritoryo.

Ayon kay AFP Public Affair Office chief, Col. Xerxes Trinidad, nanatiling matatag ang kanilang paninindigan na ipagtanggol ang soberanya ng Pilipinas at protektahan ang territorial integrity ng bansa, gamit ang anomang kagamitan na mayroon sila, nang naaayon sa international law.

“Even with limited resources compared to other foreign powers, the AFP, together with the Philippine Coast Guard and other government agencies, will continue to assert our rights and fulfill our mandate of protecting our people and territory, ayon sa ibinahaging pahayag ng AFP na pinamumunuan ni AFP chief of Staff General Romeo Brawner.

“We remain unwavering in our efforts to enhance our defense capabilities through sustained modernization, cooperative activities with like-minded nations, and proactive maritime patrols to secure our waters,” ani Col. Trinidad.

Maging ang Philippine Coast Guard (PCG) ay nagpahayag na hindi hadlang ang kakulangan ng mga asset para bantayan ang territorial sea ng Pilipinas.

Ayon kay Commodore Jay Tarriela, PCG Spokesperson for the West Philippine Sea, sa kabila ng kakulangan ng mga barko ay nagagawan naman ito ng paraan.

Tulad aniya ng pagkakaroon ng iba’t ibang istratehiya at pagpaplano sa deployment ng mga barko.

Kaugnay ito sa naging pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na hindi kayang tapatan ang mga barko ng China dahil sa rami at laki ng mga ito, subalit hindi naman umano aatras ang Pilipinas sa paggiit sa karapatan nito at ipagtatanggol ang maritime domain ng bansa.

Sa paghimay ni Tarriela, ang naging pahayag ni PBBM ay mistulang paalala rin umano sa mga mambabatas na magpatupad ng modernisasyon para sa mga kagamitan ng coast guard.

Nanindigan din ang PCG na hindi nagpapabaya ang PBBM administration at committed na protektahan ang mga teritoryo ng bansa. (JESSE KABEL RUIZ)

2

Related posts

Leave a Comment