SA pagtatapos ng Tokyo Olympics, ang Pilipinas ang officially “the best performing country” sa buong Southeast Asia.
Masayang ibinalita ni Presidential spokesperson Harry Roque na isang gold, dalawang silver at isang bronze ang nasungkit ng mga atletang Pinoy.
Nagpapasalamat aniya sila sa lahat ng mga atleta, coaches, trainers at mentors at sa sambayanang Filipino sa kanilang walang sawang suporta.
“Narating natin ang best olympic performance ng Team Pilipinas in history,” pagmamalaki ni Sec. Roque.
Para kay Sec. Roque, maaaring gamitin ang momentum na ito para sa Paris 2024 Olympics. (CHRISTIAN DALE)
165 