SIMULA sa Agosto 1, araw ng Sabado ay papayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang 30%
operation ng testing & health-related review centers, gyms, computer shops, aesthetic
establishments, drive-in cinemas sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine
(GCQ).
Ito’y matapos i-recategorized ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging
Infectious Diseases (IATF-EID) ang klasipikasyon ng Category IV industries sa Category III industries
na payagan ang limitadong operasyon sa mga lugar na nasa ilalim ng GCC.
Kabilang na rito ang testing at tutorial centers, review centers, gyms, fitness centers at sport
facilities, internet cafes, establisimyento na nag-aalok ng personal grooming at aesthetic services,
pet grooming, at drive-in cinemas.
“All of these recategorized business activities shall gradually resume operations at 30% operational
capacity starting August 1,” ayon kay Sec. Roque.
Ang Department of Trade and Industry (DTI), sa pakikipagtulungan sa Department of Health (DOH),
ay bubuo ng mandatory health protocols para sa bawat business activity.
Ang mga miyembro ng IATF, sa kanilang ika- 59 pulong ay inaprubahan din ang business activities sa
ilalim ng Category IV, na ang ibig sabihin ay, “they are allowed only in areas under modified general
community quarantine (MGCQ).”
Kabilang na rito ang full body massage; tattoo and body piercing; live events; entertainment
industries; libraries, archives, museums and cultural centers; tourist destinations; language, driving,
dance/acting/voice schools.
Ang cockfighting o sabong at operasyon ng beerhouses at kahalintulad na establisimyento na ang
pangunahing serbisyo ay alcoholic drinks at kid amusement industries ay nananatiling
ipinagbabawal sa kahit na anomang uri ng community quarantine. (CHRISTIAN DALE)
