AMINADO ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na tinalo na ng e-sabong ang POGO operations pagdating sa pagbabayad ng buwis.
Ayon kay PAGCOR Chairman Andrea Domingo, “maraming online casino o pogo ang nagsara ngayong pandemic”.
Nag-alala aniya ang naturang ahensya kung saan na kukuha ng revenue na kailangang-kailangan pa naman ng bansa bilang panustos ng pamahalaan para labanan ang COVID-19.
“But when e-sabong started in May this year, we already made around P3.5 billion in revenues,” ayon kay Chairman Domingo.
Ayon pa kay Domingo, “P350 million to P400 million kada buwan ang kinikita ng PAGCOR sa online sabong”.
Sa kasalukuyan may apat na kumpanya na ang nag-ooperate ng e-sabong sa bansa.
Plano ni Domingo na gawing 12 ang online sabong operators para mas malaki pa raw ang kitain ng ahensya.
Napag-alaman na unang nag-apply at naaprubahan ng permit to operate ng PAGCOR ang Lucky 8 Star Quest Inc. na siyang nagpapatakbo ngayon ng Pitmaster Live na pag-aari naman ni Charlie “Atong” Ang. (FERNAN ANGELES)
