Sa pagdami ng bomb threats PRESENSYA NG PNP SA SCHOOLS AT KOMUNIDAD PINAIGTING

PAIIGTINGIN ng pulisya ang presensya sa mga paaralan at matataong lugar matapos ang sunod-sunod na bomb threats sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay Acting PNP Chief Police Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., pinalalakas na ang security operations bilang tugon sa magkakaugnay na pekeng banta na nagresulta sa suspensyon ng klase sa ilang eskwelahan. Inatasan niya ang lahat ng police units sa field na magdagdag ng visibility at magpatupad ng pro-active response measures upang mapawi ang pangamba ng publiko.

Noong November 17, walo ang eskwelahan na nakatanggap ng bomb threats sa Iloilo, isa sa Digos City, Davao del Sur, at isang barangay sa Ormoc City, Leyte. Dahil dito, iniutos ni Nartatez ang masusing imbestigasyon para matukoy ang pinagmulan ng mga mensahe at panagutin ang nasa likod nito.

Tiniyak ng PNP na handa ang mga police unit sa buong bansa na agarang rumesponde sa anumang banta, habang nananawagan sa publiko na manatiling mapagmatyag at huwag basta-basta magpapaniwala sa maling impormasyon.

(TOTO NABAJA)

93

Related posts

Leave a Comment