NANGINGINIG na sa takot ang mga cartel at smuggler na kakutsaba ng mga tiwaling opisyal sa Kagawaran ng Agrikultura matapos ihayag ni incoming President Ferdinand Marcos Jr. na pamumunuan niya ang ahensya.
“It is a master stroke,” ani National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesman at dating AFP Southern Luzon Commander Lt. Gen. Antonio Parlade Jr.
Sa kanyang Facebook post ay sinuportahan din ng retiradong heneral ang pahayag ni Former Agriculture Secretary Emmanuel “Manny” Piñol na nakatakdang pamunuan ang itinatag na national food security group, na nanginginig na sa takot ang mga cartel at smuggler.
Ani Piñol, “nanginginig na ang kartel at hindi na kayang i-harass ang budget ng DA by the same people who run it – legislators.
Ayon naman kay Parlade, kahanga-hanga ang naging pasya ni PBBM na hawakan pansamantala ang DA.
“This is something a typical DA secretary cannot do. Stop rice and meat smuggling, abolish the cartel, prevent hoarding. The cartel is bigger than we can imagine and many officials of other agencies of the government are part of it,” ayon pa sa FB post ng heneral.
Sinasabing ang Department of Agriculture portfolio ay kaakibat din ng matatag na national security.
Una nang ipinahayag ni incoming National Security Adviser Professor Clarita Carlos na ang national security ay hindi lamang puro tungkol sa giyera, military or defense security.
Kaakibat din umano nito ang human security kasama nito ang food security ng bansa na nag-aambag naman para sa isang matatag na economic security ng bayan. (JESSE KABEL)
165
