Sa patuloy na dollar importation PINAS LAGPAK SA TERRORISM FINANCING

ISINISI ng isang mambabatas sa patuloy na pagdating ng milyon-milyong dolyar ang pumapangit na imahe ng Pilipinas sa terrorism financing.

Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, nagkaroon umano ng national assessment ukol sa terrorism financing kung saan masyadong mataas ang rating ng Pilipinas.

Sa gitna ng imbestigasyon ng Kongreso sa imported money na ipinasok noong nakaraang taon ay isa pang dayuhan ang natuklasang nagdala ng $500,000.

Samantala, bukod sa perang dinadala sa Pilipinas ng mga dayuhan na naglalagay umano sa panganib sa national security, malaki ring banta sa ekonomiya ng bansa ang pananatili ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Dahil dito, kailangan umanong seryosohin ang pagbubuwis sa mga POGO dahil lumalaki ang gastos ng bansa sa mga ito, hindi lamang sa peace and order kundi sa tinatawag na social cause. BERNARD TAGUINOD

121

Related posts

Leave a Comment