NAIS ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto na bigyang pabuya ang mga social worker na tila nakaligtaan sa pamamagitan ng pagtataas ng sahod katumbas ng Salary Grade 15 sa nars.
Sa pahayag, sinabi ni Recto na malaki ang utang na loob ng bansa sa mga social worker dahil ikinokonsidera silang frontliners na kumakalinga sa mahihirap na pasyenteng walang pambili o
pambayad ng gamot at serbisyong medikal.
“There is a group of forgotten and neglected health frontliners to whom the nation owes so much—the social workers in public clinics and hospitals,” ayon kay Recto.
“The best belated thank you card that we can give them is to make their minimum pay equal to nurses, P32,035 a month, that of Salary Grade 15 in the government pay scale,” paliwanag ng mambabatas.
Sinabi ni Recto na pinakamaraming kliyente ang mga social worker sa mga ospital dahil sinoman ang kapos sa pera, partikular ang lahat ng nagpapagamot ngayon, ay awtomatikong nagiging “pasyente” nila.
“This is because all those who are hospitalized share one comorbidity: poverty. It is fatal. This is a land where every family is one major illness away from bankruptcy,” ayon kay Recto.
Aniya, tinutulangan sila ng mga social worker kaya nakahihinga ang pamilya ng pasyente dulot ng discounts at libreng panggagamot. “Ipinadadala sila sa mga ahensiyang makatutulong sa kanila sa usaping pinansiyal.”
“Tulad ng medical professional, inihahanda ng social worker ang patient chart pero sa kakaibang pamamaraan, na madalas magpakita ng kung gaano kahirap ang isang may sakit at kanilang
pamilya,” aniya.
“But their job goes beyond profiling. They recommend psychosocial care, lodging for the caregivers, fare money for the stranded. They’ve been doing this ages before this pandemic struck,” giit ng
mambabatas mula Batangas.
“Sila ang unang puntahan ng mga kamag-anak ng naospital. Hindi lang tambak ng papeles ang kanilang mesa, puno rin ng luha,” ayon kay Recto. (ESTONG REYES)
