SAKSI NGAYON COLUMNIST BINIGYAN NG PARANGAL

KINILALA si Dr. Chie Umandap, kolumnista ng SAKSI Ngayon, bilang Distinguished Military Service Awardee — bilang pagpupugay sa kanyang makataong serbisyo, matatag na pamumuno, at tapat na dedikasyon sa kapwa.

Ipinagkaloob ang parangal sa Centro Escolar University Dental Alumni Association Awards and Recognition Night na ginanap sa makasaysayang Manila Hotel, na dinaluhan ng mga iginagalang na propesor, alumni, at lider-komunidad na pawang nagtataguyod ng serbisyo publiko at kahusayan.

Ayon kay Dr. Umandap, ang karangalang ito ay hindi lamang personal na tagumpay kundi paalala ng tunay na diwa ng paglilingkod sa bayan.

“Ang serbisyo, kapag ginagawa nang tapat at may layunin, ay lumalampas sa sarili at nag-iiwan ng mabuting marka sa lipunan,” pahayag niya.

Bilang pasasalamat, binigyang-pugay niya ang kanyang nominator na si Dr. Cynthia Sioco-Chny, pati na si Dr. Carmen Aguilar, Pangulo ng CEU Dental Alumni Association, sa patuloy na suporta at pagkilala sa kanyang trabaho sa humanitarian at public service.

Giit pa niya:”To serve is not just a duty—it is a privilege. For others, always.”

Sa kabila ng parangal, patuloy na aktibo si Dr. Umandap sa pagsusulong ng mga programang pangkomunidad, adbokasiya para sa kapakanan ng mamamayan, at mga inisyatibang tumutugon sa pangangailangan ng mga sektor na madalas nakakalimutan.

143

Related posts

Leave a Comment