TEN days matapos ang kontrobersyal na secret wedding ni Sarah Geronimo kay Matteo Guidicelli noong February 20, 2020, nagbalik ang Pop Princess sa “ASAP Natin ‘To” nitong Linggo, March 1.
This year, the singer-actress is on her 17th year in showbiz, kaya kinongratulate siya ng fellow hosts ng show. Kinongratulate din siya sa success ng “Tala,” na ngayon ay may higit nang 103 million views sa YouTube.
Of course, binati rin siya ng co-hosts niya sa pagiging bagong Mrs. Matteo Guidicelli.
Sabi ni Ogie, sila ni Regine ay laging nariyan para sa kanila ni Matteo.
“Gusto ka namin batiin. Gaya ng milyong milyong nagmamahal sa’yo at kay Matteo, binabati ka namin ng best wishes and congratulations. Asahan mo na sa lahat ng panahon, maaasahan mo kami ni Ate.”
Si Erik Santos naman, isa sa mga matalik na kaibigan ng Pop Princess, ay nagsabing, “Kaming mga kaibigan mo sa Champions, sobra kaming masaya para sa ‘yo Sarah. Sobrang saya ng puso namin dahil alam namin ‘yung mga pinagdaanan ni Sarah. Ngayon na sobrang happy mo na, happy kami para inyo ni Matt.”
Dito na naging teary-eyed si Sarah habang nagpasalamat sa mga sumuporta sa kanya at sa bumati sa kanila ni Matteo.
“Abot-abot lang po ang pagpapasalamat sa lahat po ng sumusuporta, for your best wishes. Maraming salamat po.”
Ako lang ba? O talagang Kamukha ni Sarah G ngayon si Christine Bersola (now Babao) noong ang huli ay nagsisimula pa lang mamukadkad sa limelight?
Siya nga pala, the same day, March 1, ay nag-tweet si Sarah G (na bihirang mangyari, sabi ng Popsters). Nag-tweet siya ng larawan sa dressing room ng “ASAP Natin ‘To” kasama ang mga bulaklak na natanggap at ang buntings na nakasulat ang katagang CONGRATULATIONS.
Simple at maigsi lang ang caption nito: Thank you, ASAP family and POPSTERS.
HATIRAN, SUNDUAN
Recently ay nagsulputan din ang mga larawan kung saan makikita ang bagong kasal na either sumusunod o naghahatid sa isa’t isa sa kanilang workplaces.
Sa isang Instagram post, makikita ang dalawa sa elevator kasama ang isang Popster (sa kumuha ng photo). Hinatid ni Matteo si Sarah sa taping for “The Voice Teens” kung saan isa sa mga coaches ang kanyang misis.
Sa isa pang Instagram post naman, makikita ang dalawa – but this time si Sarah ang naghatid kay Matteo sa isang endorsement taping.
Mukhang ito na nga ang bagong reality ng bagong kasal.
MATTEO’S SISTER WELCOMES SARAH
Alam naman ng marami na ang sister ni Matteo na si Giorgia ay close kay Sarah.
Nagkaroon na ng bonding ang dalawa habang nasa dating stage pa lang ang AshMatt (tandem name nina Sarah at Matteo).
Matatandaang kinuha pa ni Giorgia si Sarah bilang maid of honor at sa kanyang kasal noong December 2019.
Ngayong officially ay “sisters” na sila, Giorgia welcomed Sarah sa isang Instagram post nitong Huwebes. February 27.
Pinost ni Giorgia ang photo nila ni Sarah na kuha sa kanyang kasal. Nilagyan niya ito ng caption na, “I gained a real life sister. Welcome to the family, Mrs. Guidicelli!!!!! We love you!!!”
Si Giorgia ay ang nag-iisang sister ni Matteo. May isa pa silang kapatid, ang bunso na si Paolo.
