BEACH BODY IPINAKITA NI KC CONCEPCION

IPINAGMALAKI ni KC Concepcion ang kanyang beach body na pinuri ng maraming netizens.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ng singer-actress ang kanyang swimsuit photos na maraming nag-like at nag-comment na mga netizen.

Siya ay nasa Boracay dahil kabilang siya sa celebrity guests sa kasal nina Mica Javier at Jay R.

Ang nasabing larawan ay nagresulta sa positibong mga komento mula sa netizen na nagpahayag ng kanilang paghanga sa aktres.

Dalawa ang pinost ng aktres sa Instagram kabilang ang nakasuot siya ng two-piece swimsuit at nilagyan niya ng caption, “Beach baby through & through”.

Ang nasabing post ay nagkaroon ng 130,000 hanggang sa isinusulat ang kolum na ito.

Bukod dito, nag-post din siya ng larawan na nakasuot siya ng  one-piece swimwear.

Sa nasabing post, sinabi niyang masaya siya kapag siya ay nasa beach. “Always at my happiest by the sea”.

Narito ang ilang comments ng netizens: “happy to see you so happy! xoxo” “You have always been so bubbly.”

“Super gorgeous! My forever girlcrush, one doesnt have to be skinny and white to be confident. Hays, sana all po.”

“Body love. Beautiful inside and out” “Wow! Ready for summer!”

ZIA DANTES HINANGAAN SA PAGIGING MATULUNGIN

MARAMI ang humanga kay Zia Dantes, anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, sa ginawa niya sa isang batang wala pang pagkain sa party.

Nangyari ito sa party ng anak nina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap.

Sa nasabing party, nakita ng isang ina na bisita sa party na siyang nagbahagi ng video, ang pagiging matulungin ni Zia.

Nang mapansin ni Zia na wala pang pagkain ang isang bata ay tinanong niya ang ina ng huli kung puwedeng bigyan ito ng cupcake.

Nang sinabi ng ina na puwede ay ibinigay ni Zia ang kanyang cupcake.

Sa kanilang pag-uusap ng bata ay ikinuwento ni Zia na kapangalan ito ng kanyang yaya.

“Throughout Shiloh’s party, I was seated near Zia, and I witnessed what a kind child she is. When my daughter went back to her seat, Zia noticed that my daughter had no food yet and heard her saying ‘I am hungry Mommy’, ayon sa netizen na nag-share ng video.

Ayon pa sa kanya, masunurin din si Zia sa kanyang ina. “When I asked Zia for permission to have a photo with her, even if she wanted to, she told me, “My mama said I’m not allowed”. (For feedback please e-mail to cosetteofficial@gmail.com)

 

 

132

Related posts

Leave a Comment