LAGUNA – Patay ang isang 74-anyos na lalaki makaraang mataga ang sarili habang nangunguha ng baging sa bayan ng Cavinti sa lalawigang ito.
Kinilala ang Cavinti police ang biktimang si Rodolfo Duma, residente ng Barangay Labayo.
Ayon sa pamilya ng biktima, Sabado ng gabi nang matagpuan nila ang wala nang buhay na biktima sa gubat sa Sitio Tabas, tatlong kilometro ang layo mula sa kanilang bahay.
May tama ng taga ang paa nito na nababalutan ng damit nang kanilang matagpuan.
Paniwala ng mga kaanak, nataga nito ang kanyang sarili habang nangunguha ng “panangkas” na isang native na panali at posibleng pagkaubos ng dugo ang ikinamatay nito.
Anila, Sabado ng hapon nang umalis ang matanda sa kanilang bahay ngunit sumapit ang gabi ay hindi pa bumabalik kaya nagpasya silang hanapin hanggang sa matagpuang wala nang buhay ang biktima. (NILOU DEL CARMEN)
409
