Sasama sa atin

HOPE ni GUILLER VALENCIA

“THE LORD replied, ” I will personally go with you, Moses. And I will give you rest-everything will be fine for you,” (Exodus 33:14).

Si Moses ay binigyan ng mabigat ng trabaho ng Panginoon. Ito ay pangunahan ang Israelita na dalhin sa Promised Land. Hindi sinabi ng Panginoon kung sino ang makakasama o makatutuwang niya upang ituro sa kanya ang daan patungo sa Promised Land. Subalit, sa ating verse ngayon ay tiniyak ng Panginoon na siya mismo ang sasama sa kanya, “I will personally go with you…I will give you rest-everything will be fine for you.”

Bawat isa sa atin na kay Cristo ay may tungkulin na gagampanan sa kaharian ng Diyos. Lahat tayo ay naglalakbay patungo sa Promised Land. Tayo ay iniligtas sa ating personal na Egypt ng buhay: pagiging alipin sa kasalanan, mula sa mga testing and trials, patungo sa ating personal na Promised Land. Na ito ay bunga ng pagtitiwala sa Panginoong Jesus, the place where we “will be perfect and complete, needing nothing,” (James 1:4).

Tulad ni Moses, may pagkakataon na iniisip natin, paano tayo makararating sa gusto natin marating. Iniisip natin kung ituturo ng Panginoon ang daan o ang pamamaraan.

Ang ating verse ngayon ay nangungusap sa atin tulad ng pangungusap kay Moses. God Himself, personally, will go with us. Ipakikita ng Panginoon ang paraan. Hindi ipinangako ng Panginoon na tayo’y bibigyan ng mga mapa at bahala na tayo. Bagkus, ang pangako ay personal guidance and direction from God Himself. God will be there with us, side by side.

Ang Panginoon ay bibigyan tayo ng kapahingahan sa journey natin. Hindi dapat tayo mag-worry along the way. Masusumpungan natin ang kapahingahan sa katiyakan na ipinangako sa atin.

Anoman ang mangyari tulad ng kay Moses, ang Diyos ay kasama natin para tayo ay tulungan na makarating sa Promised Land.

Lahat ay magiging maayos, pero hindi nangangahulugan na tayo’y hindi makararanas ng trials, troubles, and tribulations. Naranasan ito ni Moses. It means, rather, that our tasks will come to completion. Ibig sabihin, “God, who began the good work within you, will continue his work until it is finally finished,” (Philippians 1:6). (givalencia777@gmail.com)

15

Related posts

Leave a Comment