INSIGHT Ni DR BERNIE R. ANABO, JR.
NAGING kontrobersiya sa Bureau of Immigration (BI) ang PASTILLAS bribery scam, kung saan nagrekomenda pa ang Senado ng pagsasampa ng kasong kriminal laban sa mga dating opisyal ng nasabing ahensya.
Ikinatuwa naman ni Senadora Risa Hontiveros ang paghahain ng kasong graft laban sa mga opisyal at kawani ng BI, kung saan pinayagan ang ilegal na pagpasok ng mga Tsekwa.
Opo mga Igan, nagalak talaga si Hontiveros, dahil binigyan ng pansin ng Office of the Ombudsman ang findings ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality na kanyang pinamumunuan, para sa pagsasampa ng kaso sa mga opisyal at kawani ng BI sa Sandiganbayan.
Naging malaking parte rito ang National Bureau of Investigation (NBI), lalo na ang Special Action Unit na dating pinamumunuan ni Atty. Emeterio A. Dongallo na kasalukuyang NCR Director, dahil na rin sa direktiba ni Deputy Director for Regional Operations Atty. Antonio Pagatpat at NBI Dir. Eric Distor. Mga Idol, ano mga Igan?
Isang pagsaludo sa men and women ng NBI lalo na kay former SAU Head at NCR Dir. Atty. Dongallo, na masusing nag-imbestiga sa nasabing PASTILLAS SCAM, at halos walang tulog ang ating kaibigan para maresolba ang SCAM na ito. Mabuhay po kayo!
Sa katunayan, dahil sa angking galing ng ahente ng NBI, halos 40 katao na opisyal at kawani ang haharap ng kasong graft sa Sandiganbayan. Ibig sabihin nito, ginagampanan lamang nang maayos ng NBI ang kanilang mandato. Tama po ba ako, NCR-NBI Dir. Atty. Dongallo?
Ang naturang kaso laban sa ilang opisyal at kawani ng BI ay inaprubahan ni Ombudsman Samuel Martires nito lamang Mayo 27, taong kasalukuyan at natanggap ng Sandiganbayan ngayong June 6.
Nakasaad sa resolusyon “the respondents gave preference or advantage to Chinese nationals and caused undue injury to a total of 143 passengers identified by the National Bureau of Investigation in the amount of P10,000 or more or less P1.43 million.”
Kitam, malaki ang parte ng NBI sa pagresolba ng kaso. Muli mabuhay po kayo, NBI-NCR Dir. Atty. Dongallo, gayundin sa mga ahente ng nasabing ahensya sa inyong matagumpay na operasyon.
Keep up the good work!
Samantala, narito ang mga opisyal at kawani ng BI na kinasuhan ng Ombudsman: Former Deputy Commissioner Marc Red Mariñas, Grifton Medina, Erwin Ortañez, Glenn Comia, Benlando Guevarra, Danieve “Denden” Binsol, Deon “Nancy,” Albao, Arlan Edward Mendoza, Anthony “Al” Lopez, Cecille Jonathan Crozco, Francis Dennis Robles, Bradford So, Vincent Bryan Allas, Rodolfo “Totoy” Magbuhos Jr.
Gabriel Ernest “Gabe” Estacio, Ralph Ryan “RG” Garcia, Phol “Vexana III” Villanueva, Abdul Fahad “Sharpedge Calaca,” Calaca, Danilo Deudor, Mark “Fakehappy” Macababbad, Aurelio “Amboy” Lucero III, George Bituin, Salahuddin Hadjinoor, Cherrypie “Chepie” Ricocol, Chevy Chase Naniong, Carl Jordan Perez, Abdulhafez “HB” Hadjibasher, Jeffrey Dale “Boss Nyefi” Ignacio, Clint Simene, Asliyah Maruhom.
Maria Victoria Jogno, Paul Erik “Liza” Borja, Hamza Pagasum, Manuel Sarmiento III, Dimple Mahyumi Mallari, Gerrymle “Gem” Franco, John Michael Angeles, Francis Meeka Flores, Sadruddin Usudan, John Kessier Cortez, Mohammed Sahary Lomondot, John Derrick Go, Aira Inoue, and Rovan Rey Manlapas.
Kinasuhan din ng Ombudsman ang BI security guard na si Fidel Mendoza, administrative assistant Angelica Omampo, gayundin sina Yanni Hao, George Ong, at Cathy Cu na umano’y Chinese Interpreters.
***
NBI NCR DIR. ATTY. DONGALLO, ONE IN A MILLION
MASUWERTENG maituturing ng National Bureau of Investigation si National Capital Region Director Atty. Emeterio A. Dongallo, dahil sa angking galing at talino nito. Partida, batang-bata pa naging NCR Director, dahil sa kanyang performance. Walang maiinggit, gawin natin siyang ehemplo. Tama po ba ako, Maam Nilda?
Sa aking mga pagtatanong sa Bureau, si Atty. Dongallo, ay hinulma at sinubok ng panahon, kaya naman may mataas na antas ng kaisipan, respeto sa kapwa at mapagkumbabang nilalang. Again, sabi ni Ate Nilda, ONE IN A MILLION.
Kung integridad at kapasidad naman ang pag-uusapan ukol kay Atty. Dongallo, hindi ito matawaran. Kaya naman ang promosyon niya ay hindi nakapagtataka. Higit sa lahat, pinagsikapan niya ang kanyang tagumpay sa buhay. Ito ang lodi! May ganun!
Kaya naman, marami ang humahanga rito, at harinawa gawing ehemplo ng mga taga Samar, sapagkat ang tagumpay nila ay ating karangalan. Katuladna lamang kay NBI Deputy Director for Regional Operations Atty. Antonio Pagatpat. Isang batikang abogado at pinuno ng ahensya. Mabuhay and may God bless us, all!
777 