SC AJ LEONEN PATRIOTIC???

PRO HAC VICE Ni BERT MOZO

MISTULANG nagpapakonsensya pa itong Supreme Court Associate Justice Mario Victor Leonen sa kanyang mga kritiko matapos nitong magpahayag na mas maraming nangangailangan ng atensyon sa kongreso ngayong panahon ng pandemic kaysa anya sa reklamong impeachment na isinampa laban sa kanya ng Filipino League of advocates for good governance o (FLAG) sa pangunguna ng kanilang Secretary General na si Edwin Cordevilla.

Sinabi pa ni Justice Leonen na naniniwala siyang mauuwi lang daw sa wala yung impeachment case laban sa kanya dahil puro lang daw kasinungalingan yung mga paratang na inilagay doon kaya kumpiyansa siyang hindi papatulan ng mga mambabatas ang nasabing impeachment case.

Eh bakit parang napaka defensive po ninyo justice Leonen?

Ibig niyong sabihin na ang hindi ninyo pag-aksyon sa mga kasong hawak ninyo sa ­Korte Suprema na lagpas na sa ­itinatadhana ng ating saligang batas upang ito’y inyong ­madesisyunan ay walang basehan?

Eh paano po yung mga kasong palabag sa Article XI ­Section 17 of the 1987 Constitution at ang Section 8 ng Republic Act No. 6713, o mas kilala sa tawag na “Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.” ay puro rin walang basehan?

Ibig po ba ninyong sabihin Justice Leonen na ang hindi ninyo paghahain ng inyong Statement of Assets,Liabilities and Net Worth o SALN ay hindi betrayal of public trust???

Gayung kung ­ordinaryong empleyado ng Hudikatura ang hindi nakapaghain ng kanyang SALN ay kaagad ninyong ­sinisibak? Mayroon pang ­karagdagang perpetual ­disqualification na makapagtrabaho sa anumang sangay ng gobyerno.

Ano kaya ang pulso ng SC EN BANC sa kinakaharap na kaso ni Justice Leonen sa ­kongreso?

Kaya siguro mas maagang magreretiro si Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta dahil baka isa sa dahilan ay ang di na niya kayang i-handle ang mga di tamang paguugali ni Justice Leonen.

Balita ko nga sa loob ng SC na nagsalita itong si CJ Peralta na naiinis siya kay Justice Leonen dahil sa paghinge nito ng budget na limang milyong peso para sa renovation ng kanyang cottage sa Baguio City.

Kaya kung talagang nagiisip si Justice Leonen para sa kapakanan ng kanyang mga ­kababayan gaya ng kanyang mensahe, sana sa halip na renovation ng kanyang cottage ay pinambili nalang ng SC ng pangangailangan ng mga empleyado ng Hudikatura para sa kinakaharap na pandemya baka doon maniniwala akong makabayan nga itong si Justice Leonen.

144

Related posts

Leave a Comment