AIKO NAPIKON SA PAGGAMIT NG PICTURE SA NETWORKING

(NI JONATHAN ANG)

NANGGAGALAITI si Aiko Melendez sa isang online seller na gumagamit ng litrato at pangalan niya sa social media para i-promote ang isang slimming product.

“Nakakainis ‘yung nagbabayad ka para sa isang produkto tapos ang ending, gagamitin ‘yung name at pictures mo para makabenta ng product nila. I’m upset!” imbiyernang sambit ni Aiko sa Facebook.

Kunsabagay, hindi porke’t paying customer ang isang artista ay maaari nang gamit-gamitin ang kanilang pictures para sa promotion ng isang produkto.

“Iba ang endorser sa paying customer. Sa aming mga artista, ‘yung paggamit ng pictures namin sa halos lahat ng promotional sales niyo. That’s a big no-no. Just saying,” patuloy na pagtalak ng 43-year-old actress sa FB.

Babala pa niya: “This is already a warning post. Pls. stop using my pictures to gain sales. You didn’t ask permission for my pictures to be used in your networking business.

“I may have tried your product, but to claim that my weight loss was because of your product IS NOT RIGHT, AND DEFINITELY NOT TRUE! Lalo na kung wala naman nakikipag-usap sa akin and my management team regarding endorsement of your company. Bring down your posts pls!” pinaghalong pagtatwa, banta, at pakiusap ni Aiko.

Dahil sa nangyari, hindi na muna siya magpapaunlak ng video greetings mula sa mga taong hindi niya naman kakilala.

“Dun sa mga nag-PM sa akin para sa video greet, na-trauma na po ako. Nagpapa-greet kayo ng Happy Birthday tapos papakita n’yo sa video slides n’yo na gumagamit ako ng produkto n’yo. Ano kaya ‘yun?

“Kaya pasensya na po, hindi ako gagawa muna ng video greet kahit kanino po. Pasensya na po,” sabi pa ni Aiko.

‘MASARAP, ‘DI MADAMOT NA KAIBIGAN SI JERICHO’ – CHRISTIAN BABLES

Matapos gumanap ni Christian Bables na best friend ni Jericho Rosales sa matagumpay na teleseryeng “Halik” (Aug 2018-Apr 2019 umere sa Kapamilya Network), naging close friends sila sa totoong buhay.

“Ang sarap niyang maging kaibigan. Now we’re very good friends, I must say. Kasi lahat ng advices in life and in our craft naibibigay niya. Hindi siya madamot magbigay ng kaalaman,” pagbabahagi ni Christian sa launch ng HOOQ Free Play sa Makati City noong Hunyo 20.

Masuwerte raw siya na bukod kay Echo ay nakatrabaho niya ang iba pang top-caliber actors sa industriya tulad nina Joel Torre at John Lloyd Cruz.

Sino at ano ba ang iba pang nasa wish list ni Christian, as far as his acting career is concerned?

“Gusto kong maging sundalo, gusto kong mag-portray ng isang suicide bomber, mentally challenged character, mga ganun. I’d like to work with Ms. Judy Ann Santos kasi boses lang ‘yung nakatrabaho ko, eh, sa Signal Rock. Gusto ko rin makatrabaho si Ms. Maricel Soriano,” pagtatapat ng 26-year-old Urian 2017 Best Supporting Actor awardee.

 

149

Related posts

Leave a Comment