ALDEN BILIB KAY MAYOR ISKO

alden3

ronnie(NI RONNIE CARRASCO III)

HINDI man aminin ni Alden Richards pero halatang sobra ang pag-hanga niya kay Manila City Mayor Isko Moreno.

Nitong Martes ay sorpresang bumisita ang Kapuso actor kasama ang ilan pa nitong co-stars in an upcoming teleserye ng GMA.

Bukod sa courtesy call, ipinaalam (as in humingi ng permiso) ni Alden na sa Maynila kukunan ang tatampukan niyang teleserye. Nah, Alden won’t edge out former Manila City Mayor Lito Atienza as host of the afternoon program, “Maynila.”

Kung agad matutuloy ang proyekto, ito ang kauna-unahang pagsilip sa kung gaano kalaki ang iginanda ng kabisera ng bansa – compared to years gone by – via a regular teleserye. Hindi lang kasi basta feature ‘yon or a quick look at how the streets of Manila have been transformed.

Kaagad nag-post ng mga pictures sa FB ang aming mga kaibigang opisyales who are reporters covering the city hall with the mayor and the actor.

Hindi rin katakatakang magkakaroon ng special participation sa teleserye si Mayor Isko, way above a cameo role, to determine kung gamay pa rin ba niyang umarte sa harap ng camera.

Naiintriga lang kami kung saan iikot ang kuwento nito. But one thing’s for sure, sa likod ng istorya’y nagtataglay ito ng isang mahalagang social statement.

Sort of a “can do” message na walang imposible kung gugustuhin.

KUMUSTA NA SI DANILO BARRIOS

While his contempora­ries choose to remain in show business, ibang landas ang mas piniling tahakin ni Danilo Barrios.

Back in the 90s, sumikat ang Streetboys na kinabibilangan ni Danilo alongside Vhong Navarro, Jhong Hilario, et al. As though fate got in the way, goodbye na silang lahat sa pagsasayaw. Tanging si Danilo lang yata ang tuluyan nang namaalam sa showbiz.

Now a father of three, nawala man si Danilo sa limelight ay nasa larangan naman siya ng negosyo. Thanks to his wife Regina Soqueno who taught him the ropes of the trade.

Sa ngayon, sa pagpupursige nilang mag-asawa ay may apat na silang negosyo. And all are doing very well: Ysabelle Spa & Skin Clinic which gave birth to their online Tatioactive DX Beauty & Wellness Center, Hugo Clothing and another online shop called My Precious One which sells jewelry.

Danilo, having learned Regina’s astute business acumen, can afford never to stage a showbiz comeback. ‘Yun nga lang, aminado siyang mas mahirap magpatakbo ng negosyo kesa noong panahong pinaghahalo niya ang pagsasayaw at pag-arte.

 

162

Related posts

Leave a Comment