MASAYANG- masaya si Baron Geisler dahil muling nakabalik sa trabaho sa kabila ng mga pinagdaanang kontrobersiya. Matatandaang kamakailan ay nawala na sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ ang karakter ng aktor bilang si Bungo. Isang dekalidad na pelikula naman ang ginawa ni Baron sa direksyon ni Brillante Mendoza. “I did a movie called ‘Bangsa.’ I’m acting alongside the greats, sina Joel Torre, Piolo Pascual, direk Laurice Guillen, Christopher de Leon and many, many more. Sobrang blessing itong movie na ito. Basta Mindanao ang setting, ang saya. I had to speak in Maguindanaoan and learn it a bit,” nakangiting pahayag ni Baron.
Isang international project na rin ang pinaghahandaang gawin ng aktor sa susunod na taon. “After ng Bangsa, fingers-crossed. I’m praying na matuloy. Pero I’m in touch with this producer sa States doing a film. We’re going to shoot I heard sa Mexico, Thailand, Philippines, New York and Washington D.C. It’s a good project. We’ll start shooting next year. Tuloy daw sabi ng producer no’ng pumunta siya dito sa Pilipinas a few weeks ago. Nag-message siya ulit last week na she can’t wait to work with me and gano’n din ako with them,” pagbabahagi niya.
Ayon kay Baron ay sinisikap niyang maging maayos na sa lahat ng kanyang ginagawa ngayon. Hanggang maaari ay ayaw nang maugnay ng aktor sa mga kontrobersiyang kinasangkutan niya noon.
“The key here lang is patience para sa akin. Para hindi ako ma-overwhelm or mag-backslide sa dati kong gawain, ‘yung mga character defects ika nga. I’m trying to remove all of them one by one. I’m still God’s work in progress. I’m still dealing with some demons na ayokong tawaging demons. Pero natatanggal na ‘yung mga masamang attitude, kino-correct na with the help of God. Nagiging maayos na akong citizen dito sa Pilipinas. Kaya siguro napapansin ng iba,” paglalahad ng aktor. With reports from J.C.C.
131