NAGING “too weird” na raw ang aktor na si John Lloyd Cruz para sa partner nitong si Ellen Adarna. Ito ang sinasabing dahilan kung bakit hiniwalayan ni Ellen ang aktor.
Sabi sa report ni MJ Marfori sa TV5 kamakalawa, Huwebes, sinabi raw ni Ellen sa isang kaibigan nito na “she broke up with the actor because she cannot anymore withstand his weirdness.”
Dahil dito, nag-request na raw ng TPO o Temporary Protection Order si Ellen para ilayo ang aktor sa kanya at sa anak nilang si Elias Modesto.
Si Ellen ay nagbakasyon recently sa Thailand kasama ang anak at ilang kaibigan, habang si John Lloyd naman ay nagpunta ng Vietnam.
186