ANG dating beauty queen na si Patty Betita ay bina-bash ngayon ng ibang netizens, lalo na ang mga fans ni James Reid, dahil sa sinabi niya sa isang caption ng kanyang Instagram story.
Matapos ang coronation night ng Binibining Pilipinas 2019 noong Linggo, nag-post si Patty ng photo kasama si Daniel Padilla at kapwa niya former beauty queens na may caption na: “Btw…Daniel Padilla is much nicer and accommodating than James Reid. #fortherecord.”
Nag-react agad ang netizens at sinabing pwede namang purihin si Daniel na hindi bina-“badmouth” si James. Sa rami ng negative comments na natanggap, nag-apologize din naman agad sa Twitter si Patty: “Ok, I sincerely apologize if I hurt your feelings. I judged an innocent guy and made a careless comment.”
368