HISTORICAL MOVIE NI LOVI POE BILANG KA ORYANG, SHELVED NA?

(By MELL T. NAVARRO)

TILA tuluyan nang shelved ang “Lakambini,” ang historical movie ni Lovi Poe kung saan siya gumaganap bilang Ka Oryang o Gregoria De Jesus, ang Katipunerang asawa ni Gat Andres Bonifacio na tagapagtatag at bise presidente ng women’s chapter ng Katipunan ng Pilipinas, at siya ring tagapangalaga ng mga dokumento ng Katipunan.

Taong 2015 pa nang unang i-anunsiyo ang paggawa ng proyekto sa isang presscon sa Quiapo, Manila.  Nakapagsimulang mag-shooting si Lovi, pati na ang mga leading men niyang sina Paulo Avelino at Rocco Nacino noong taon ding iyon — kahit paputul-putol ang shoot (dahil busy ang lead actors) — hanggang sa umabot ito ng 2016.

Pero mula noon ay nag-“stop shooting” ang produksiyon na co-directed by Ellen Ongkeko-Marfil at Jeffrey Jeturian, dalawang mahuhusay na filmmakers sa industriya.  Nang maka-tsika namin minsan si Direk Ellen, inamin nitong nagkulang na sa pondo (executive producers rin sila, maliban sa ilang investors) dahil hindi nga biro ang gumawa ngayon ng isang malaking historical movie, sa laki ng gastos.

Nang one time naman na nakasalubong namin sa isang event last year (2017) si Lovi, hinayang na hinayang ito sa biographical movie project niya, pero umaasa aniya siyang matutuloy pa rin ito.

We heard na maaaring maging docu-drama na lamang ito (mas mababang production cost), pero wala pang kumpirmasyon dito.  Kahit si Direk Jeffrey nang maka-tsika namin sa birthday party ng katotoong Jerry Olea nitong September 2018 ay umaasa pa ring magkakaroon ng lunas ang paghanap nila ng more fundings for the movie.

Knowing Direk Ellen and Direk Jeffrey, ayaw nilang ikompromiso ang nasimulan nilang magandang pelikula.  Hangad lamang nilang may iba pang investors na pumasok nang matapos na ang paggawa ng pelikula.  Naipalabas na ang “Goyo:  Ang Batang Heneral” ni Paulo, nakabinbin pa rin ang “Lakambini” nila ni Lovi.  Pumanaw na rin ang isa sa cast ng pelikula na si Spanky Manikan.  Let’s hope the movie gets resurrected — sa tamang panahon.

243

Related posts

Leave a Comment