SWAK: Congratulations sa bagong kasal na sina Juancho Trivino at Joyce Pring!
Na-achieve nilang dalawa ang gusto nilang simple at maayos lang na wedding noong nakaraang Linggo, February 9 sa Sofitel Manila.
Naging tahimik lang sina Juancho at Joyce sa kanilang relasyon at noong nagpa-mediacon nga sila ng 20th anniversary ng Unang Hirit, doon na lang lumabas na engaged na pala silang dalawa.
Pabirong ini-reveal ni Arnold Clavio ang tungkol sa wedding, at isa nga raw siya sa mga ninong.
Suportado si Juancho ng co-stars niya sa Madrasta, at bahagi sa secondary sponsors ang mga kaibigan niyang sina Mikoy Morales at Jeric Gonzales.
MARISSA SANCHEZ MAY WISH SA VALENTINES
SEE: Wish ni Marissa Sanchez na sana huwag daw siya mamatay bago mag-February 14 dahil nakatakda siyang mag-perform sa Valentine concert nila ni Eric Nicolas na pinamagatang ‘My Fatty Valentine’ na gaganapin sa Km. 19 East Service Road, Sucat, Muntinlupa City.
Sold out na kasi ang tickets at kinakarir na nila ngayon ang rehearsal na maganda lang ang kalalabasan ng show.
Bahagi ng mahaba niyang post sa kanyang Instagram account; “I really pray hard at ipagdasal n’yo rin po ako na mairaos ko at malagpasan ko itong pinagdadaanan ko na hindi ko na po kailangang isambulat pa sa social media, araw-araw habang papalapit na ang show namin na me dumarating laging problema. Katulad po ngayon, kung kelan 6 days na lang, chaka pa lumalaki lalo, kasabay nang paglaki ng katawan ko at mukha ko ang mga suliranin. It’s indeed a challenge!
“Sana ‘wag ako mamatay bago mag-Feb 14 dahil pipilitin ko pong maging maganda at mahusay at kaaya-aya ang show na ito kasama ang napakagaling at batikang komedyante, singer at aktor na nagbigay ng concepto at title nitong show namin na si Kuya Eric Nicolas.”
PINOY ADAPTATION NG ‘DESCENDANTS OF THE SUN’ MALAPIT NA
SWAK: Magsisimula na ang Pinoy adaptation ng Descendants of the Sun sa GMA Telebabad pagkatapos ng Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday.
Pinanood ko ang pilot episode na ito noong nakaraang mediacon at nakikita namang ginastusan ito nang husto ng GMA 7.
May mga binago sila sa kuwento para tumugma sa mga Pinoy na manonood. Pero ipinagpaalam daw muna nila ito sa Korean producers, bago nila itinuloy.
Kasama ang Philippine Army na pinangunahan ni Brig. Gen. Ernesto Torres Jr. ang panoood at na-impress sila sa ginawa nina Dingdong.
“Para po kaming may thesis na dini-defend namin. Tapos, sila ‘yung final na magbibigay ng grado. Parang ganun po ‘yung pakiramdam nang sinabi niya, ‘okay pasado kayo’.”
“Ang sarap ng pakiramdam kasi very careful kami sa ginagawa namin na ma-portray nang maayos,” pahayag ni Dingdong.
ALDEN AYAW MUNANG IPAKITA ANG ABS
SEE: Ayaw pa muna ni Alden Richards na ipakita nang live ang abs niya na pinaghirapan niya nang husto para ma-achieve ang ganun kagandang katawan.
Sa mediacon ng bagong musical competition na Centerstage na ihu-host niya, nakiusap kami kung puwede kami magpa-picture sa abs niya. “Sa April na. Dun ang grand reveal!” bulalas niya.
Kahit sa Dabarkads niya sa Eat Bulaga, ayaw niyang ipakita ang abs niya at pa-piktyuran dahil niri-reserve daw nila ito sa April.
Kaya ngangey si Allan K nang pinilit-pilit niyang magpa-picture sa abs ng Asia’s Multimedia Star.
118