SWAK: Binago ng ABS-CBN 2 ang programming nila noong Linggo ng gabi para meron lang makatapat na malakas sa ‘Kapuso Mo Jessica Soho’.
Nagsimula na kasi ang ‘The Voice Teens’, kaya inilagay nila ito sa 8:15 na timeslot na kung saan papasok na ang KMJS ng mag-alas-nuwebe ng gabi.
Kaya sa last part ng The Voice Teens, ang programa ni Jessica Soho na ang makakatapat at sinundan na ito ng ‘Gandang Gabi Vice’.
Kaya bale itong ‘The Voice Teens’ at ‘GGV’ ni Vice Ganda ang nakatapat ng ‘KMJS’.
Pero tinalo pa rin sila nung nakaraang Linggo dahil naka-16.5 percent ang ‘KMJS’, ayon sa AGB-NUTAM laban sa 11.8 percent ang ‘The Voice Teens’, at 5.9 percent lang ang ‘GGV’.
Pero hanggang end of February na lang ang ‘GGV’ ni Vice Ganda at papalitan na ito ng ‘Everybody’ Sing na siya pa rin ang host.
SUOT NG 3 NEWSCASTERS NG GMA 7 PINAGLARUAN NG NETIZENS
SEE: Pinaglaruan ng netizens ang suot ng tatlong newscaster ng GMA 7 na sina Vicky Morales, Pia Arcangel at Atom Araullo na kakulay ng logo ng ABS-CBN 2.
Ang duda nila, expression of solidarity ang ginawa nila na naka-red dress si Pia, naka-green naman si Vicky at blue suit naman si Atom.
Si Lea Salonga nga ang unang nag-react na tingin daw niya GMA anchors showed their solidarity sa pinagdaanang issue ngayon ng Kapamilya network.
Totoo kayang may ilang stars ng ilang TV network na pinagbabawalang mag-post ng suporta sa ABS-CBN 2?
Maaring nagpaka-safe na lang daw sila para hindi na madamay pa sa mainit na isyung pinag-usapan.
CHRISTOPHER DE LEON NAG-AALALA SA PRODUCTION STAFF NG ABS-CBN PROGRAMS
SWAK: Naikuwento naman sa amin ni Christopher de Leon na normal lang naman daw ang takbo ng taping nila sa ‘Love Thy Woman’ kahit medyo nakaka-pressure na raw itong isyu ng renewal ng franchise ng ABS-CBN 2.
Ang mas inaalala raw nila kasing mga artista ay ang production staff na mga programa lang sa ABS-CBN ang kanilang inaasahan.
“Actually, when I talked to regular workers sa ABS, sila ang worried talaga.
“In short, napa-praning sila kung papano…parang cliffhanger ‘tong dadating na March for them. Kasi kami naman mga entertainers are not under contract with ABS. We can do shows abroad… here and there.
“Workers ang scary for them itong tungkol sa franchise,” pahayag niya nang nakatsikahan namin sa contract-signing niya bilang bagong brand ambassador ng Beautederm.
NORA AUNOR ‘DI NAGPAPATALO SA ASTHMA
SEE: Nilinaw naman ni Nora Aunor na hindi naman naapektuhan ang taping niya sa ‘Bilangan ang Bituin sa Langit’ kapag sinusumpong siya ng kanyang Asthma.
“Kahit na masama ang pakiramdam ko, talagang nagti-taping ako. Hindi ako nali-late,” depensa ni Nora sa sarili.
Pinuri nga siya ni Direk Laurice Guillen na kahit daw nakikita niyang masama ang pakiramdam nito, hindi raw niya ito ipinapakita sa mga eksenang gingagawa niya.
Hindi raw kina-cut ni Ate Guy ang sarili kahit nakikita niyang nahihirapan siya minsan sa eksenang pinagagawa sa kanya.
Okay naman daw ngayon ang kalusugan ng original Superstar. Hindi nga lang daw talaga maalis ang Asthma niya.
“Medyo okay na,” pakli niya nang kinumusta namin ang kalusugan niya.
Tinitiyak naman daw niyang hindi nakaka-apekto sa taping niya sa ‘Bilangin’ kapag nagkakasakit siya.
“Hindi naman. Pag sinumpong lang ako.
“Kasi nagmana ako sa Mama ko may Asthma eh,” napangiti niyang sagot sa amin.