KUWENTO NG P150-K NI GRETCHEN

lolit(NI LOLIT SOLIS)

ANG saya saya ng Pasko ko day!

Ang dami kong naharbat na pamasko na feel na feel ko talagang love na love nila ako.

Ang ikinaloka ko lang itong kuwento ng 150 thousand pesos na ipinabigay daw ni Gretchen Barretto sa amin ni Cristy Fermin.

Una muna itong isyu ng bigas at 150 thousand pesos na ang bida sa kuwentong ito ay sina Gretchen nga at Dolor Guevarra.

Support lang kami dito ni Cristy, kasama si Bettina Aspillaga na ever trusted ni Kuya Boy Abunda.

Siyempre, kasali na  naman ang lola nyo sa isyung ito!

Parang nahihiya pa nga si Bettina na itanong sa akin, pero siyempre sinusunod lang niya ang request ni Gretchen kung natanggap ba namin ang datung na iyon na pinabibigay daw sa amin.

Nagulat ako siyempre! Kasi para sa ano yung 150K na iyon, at bakit bibigyan naman ako ni Greta?

Kainitan kasi iyon ng isyu nilang magkakapatid pagkatapos pumanaw ang Daddy nila.

Siguro pinabibigay para hindi namin siya tirahin.

Wala naman talaga kaming natanggap ni Cristy, kaya tinanong si Dolor na sa kanya pala iniutos ni Gretchen.

Ang sabi naman ni Dolor noong nagkakalkalan na, wala raw pinabibigay sa amin pero binigyan nga raw siya ng 150 thousand para ipamigay daw sa mga reporters ng PEP.Ph. Para raw merong magagandang isulat kay Gretchen.

Naungkat ang isyung iyon na sinasabi ni Gretchen na pinabibigay daw para naman sa ilang kaibigan nila na hindi naman natanggap nila Shirley Kuan at June Rufino.

Totoo rin pala iyon, pero sabi ni Dolor, hindi na raw ipinatuloy ang pagbigay kina Shirley at June.

So, totoo ‘yong sinabi Gretchen na merong 150 thousand at bigas, di ba?

Medyo na i-exaggerate lang ang kuwento iyong dapat na may natanggap daw kami nina Cristy, Shirley at June. Hindi naman siya nagsisinungaling, medyo na-exaggerate lang nga.

Nagkagulu-gulo na ang kuwento dahil sa 150 thousand na iyon, ang dami raw PEP reporters ang naambunan.

Ang bongga! Sabi ko nga apply na kaya ako kay Jo-ann Maglipon na magsulat sa PEP. Pero tinanong ko naman si Gorgy, wala siyang natanggap. Merong binanggit si Dolor na nabigyan niya, eh hindi naman taga-PEP yung iba.

Heto pa ang dagdag na kuwento, sabi raw ng anak ni Dolor na si Jaypee, hindi raw ako pinabigyan ni Gretchen dahil maka-Kris Aquino raw ako.

Sinisiraan lang daw ni Bettina si Gretchen.

Eh inutusan na nga ni Gretchen si Bettina na itanong sa amin ni Cristy. Sure naman ako diyan na hindi nang-iintriga dyan si Bettina.

Kaya saan na nga ba ang 150 thousand pesos na iyun?

Sabi ni Gretchen na kapag mahanap ko at magetlak ang 150 thousand na iyon, ibigay ko raw ang 50 thousand sa Malasakit Foundation ni Kara David para sa pag-aaral ng mga anak ng namayapang si Cesar Apolinario.

Iyong isang 50 thousand, hati-hatiin ko raw para sa mga staff ng online show namin ni Cristy, at ang remaining 50 puk, sa savings ko na ‘yon!

Lalabas din ‘yang datung na yan.

Abonohan na kaya ni Atong Ang ‘yan para matahimik na lahat, lalo na ako!

Nakakaloka, lagi na lang ako kasali sa isyu! Pati sa awayan ng Barretto sisters, may participation din pala ako. Kaloka!

BONGGANG- BONGGA SI DIMPLES ROMANA

Alam n’yo ang isang bonggang-bongga ngayong taon itong si Dimples Romana.

Nag-hit kasi ang Kadenang Ginto nila, at nagkaroon siya ng karakter na nagustuhan ng mga manonood.

Magmula nun ang bongga-bongga na niya, at sunud-sunod na ang mga endorsement niya.

Swak na swak ngayong Kapaskuhan ang isa pang ini-endorse niya ang CDO Premium Holiday Ham.

True naman na hindi talaga nawawala ang hamon sa Noche Buena, kaya pasok itong ini-endorse ni Dimples na CDO Premium Holiday Ham.

Sabi ni Dimples; “Hindi buo ang Christmas handa namin kapag wala ang CDO Premium Holiday Ham.

“Yung salu-salo na magkasama kayo, magdarasal kayo, kakain kayo, parang parte na rin talaga to have that ham there.”

Very visible ngayon si Dimples lalo na’t may MMFF movie pa siya with Vice Ganda at Anne Curtis, kaya bentang-benta rin niya ang CDO Premium Holiday Ham niya.

 

393

Related posts

Leave a Comment