LIGWAK NA RAW SINA JENNYLYN MERCADO AT SUNSHINE DIZON SA GMA -7?

May malakas na ugong-ugong sa socmed ngayon na ganito ang takbo: May dalawang home-grown talents daw ang Kapuso Network na hindi na ire-renew ang contract. Blind item ito actually pero madali namang hulaan dahil sa clues na ibinigay.

So, how true na end of the road na ito sa pagiging Kapuso talents nina Jennylyn and Sunshine Dizon?  Hindi po namin ito kino-confirm. Nagtatanong lang po.

MALALAOS ANG MAG-NEGA KAY PRES.DIGONG SABI NI ARNELL IGNACIO

Dumaraming artista lately ang sumasawsaw sa mga isyung politikal online. Nothing wrong with that. If they want to express their sentiments, why not? But of course, may consequences ‘yan. They should be prepared to be bashed or, sabi nga ni Arnell Ignacio, be prepared for the consequences nito sa inyong mga career.

Lately kasi ay nakisawsaw na rin si Jennylyn sa mga political issues at nagbigay ng unsolicited advice  si Arnell sa aktres. Bilang sagot (although hindi binanggit ng Kapuso actress si Arnell ), nag-post si Jennylyn ng: “May qualification ba dapat bago ka magkaroon ng karapatan na magkomento sa mga isyung panlipunan? Hindi ba sapat na mamamayan ka ng Pilipinas at nagbabayad ka ng buwis? Bakit kung kelan pandemya na lahat tayo ay apektado saka ang iba ay pilit na pinatatahimik?”

Sa isang panayam sa DZRH recently, ipinaliwanag ni Arnell ang kanyang sinabi.

“Kung ikaw, artista, at nagsimula kang makipagdiskusyon sa mga bagay-bagay na politika, paano ka gaganap ng roles mo uli na madali kang tanggapin ng iyong mga tagahanga?

“Gaano ba kabigat ang gusto mong ipaglaban to put your career sa line? Meron ka bang malalim na ipinaglalaban? “Kasi, kung wala rin naman, bakit isasakripisyo yung career mo na makipagdiskusyon sa ganyan?”

Ganito lang naman ang punto ni Arnell: Is it really worth it? Is it necessary? Hindi ba kayo nanghihinayang sa careers ninyo?

Because whether you admit it or not, going against a still very popular president is an unwise move. You’ll definitely lose a substantial number of followers. At maaaring ang consequence nito ay mag-flop ang mga future projects ninyo.

Kayo rin!

346

Related posts

Leave a Comment