MAINE UMAMIN NA SA RELASYON NILA NI ARJO

menggay

LOURDES C. FABIAN(NI LOURDES FABIAN)

ISINAPUBLIKO  na ni Maine ang tunay na estado ng kanyang “love life” at kung paano siya pinapasaya ni Arjo, sa blog entry ng dalaga nitong Sabado ng gabi, March 2 — bisperas ng kanyang 24th birthday. FINALLY sa bibig na mismo ng “Eat Bulaga!” Dabarkads na si Maine Mendoza nanggaling ang pag-amin sa espesyal na pagtitinginan sa pagitan nila ng Kapamilya actor na si Arjo Atayde.

Pag-amin ni Maine: “We have been going out for quite some time now, sure you know that since we are always on the ‘what’s the latest chika?’ section, kahit ang tagal na naming lumalabas.

“(As if newsworthy) I know, I have been reading tweets from my supporters and I am well aware that majority of them are not in favor of him – of anyone, actually.

“And I understand the sentiments of some because of the ‘loveteam culture’ here in the Philippines.”

Nagsimula ang closeness nina Maine at Arjo nang magsama sila sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Jack Em Popoy: The Puliscredibles,kasama sina Coco Martin at Vic Sotto.

Mula September hanggang January 2018 ay iba’t ibang ispekulasyon ang naglalabasan hanggang noong January 22, sa wakas ay umamin si Arjo na exclusively dating na sila ni Maine—na kinukumpirma ngayon ng dalaga.

Tuluy-tuloy  ang  paliwanag ni Maine sa nararamdaman niya para kay Arjo at kung bakit nakagaanan niya ito ng loob at ang binata ang kanyang pinili.

First time din na inamin ni Maine, na may blessing ng kanyang mga magulang ang pag-amin ni Arjo ng espesyal na feelings para sa kanya. Mala­king puntos kay Arjo ang ginawa niyang pagbisita sa bahay ng pamilya Mendoza sa Bulacan.

“My family and friends know about this. In fact, he has met my family and friends on multiple occasions. He went to our house in Bulacan to personally talk to my parents and tell them that he has nothing but good intentions for their daughter.

“My parents also gave him a warning that they’d kill him if he does something bad to me. Haha! I remember him looking so timid as he sat on our couch in front of Teodoro and Mary Ann.”

So hayan, mismong nanggaling na kay Maine ang kasiyahang nadarama sa isang espesyal na tao sa puso niya na ipinakilala niya sa kanyang mga magulang.

Mind you, first time niyang ginawa ito. For sure, kinikilig ngayon si Arjo dahil heto at mukhang handa na talaga si Maine na ipaglaban ang kung anumang namamagitan sa kanila ng Kapamilya actor. Ang nagagawa talaga ng pag-ibig.

154

Related posts

Leave a Comment