NAGPAHAYAG ng kasiyahan sa magandang estado ng kanyang lovelife si Maja Salvador.
Nakalantad naman sa social media na ang kasintahan ngayon ni Maja ay ang eventologist-businessman na si Rambo Nuñez.
Si Rambo ay dati nang kasintahan ni Maja noong teenager pa lang siya, pero naghiwalay rin. Matapos ang maraming taon ay nagkabalikan silang muli noong nakaraang taon.
Sabi ni Maja, wala na siyang mahihiling pa sa lovelife dahil kuntento siya sa pag-ibig at pagmamahal ng kasintahan.
Medyo magpapahinga muna si Maja sa mga rampa niya abroad o bakasyon kasama si Rambo ngayong eere ang bago niyang soap na “Killer Bride” sa Kapamilya network.
Natawa si Maja sa tanong ng press sa kanya sa grand launch ng “Killer Bride” noong nakaraang linggo kung kailan sila magpapakasal ng kasintahan.
“Trabaho muna,” ang sagot niya kasunod ng linyang marami pa siyang dapat asikasuhin sa career at iba pang priorities sa buhay.
NASH AGUAS APEKTADO SA PAGTATAPOS NG ‘GOIN’ BULILIT’
Sa pagwawakas sa ere ng long time running kids-oriented TV show sa ABS-CBN 2 na “Goin’ Bulilit,” isa si Nash Aguas sa naapektuhan.
Sa kanyang Instagram post ng mga throwback photos niya ng mga naging kaganapan sa kanya at sa mga ka-batch niya sa show, nagpasalamat si Nash sa programa.
Sa unang post, sinabi nitong hindi sapat ang mga salita para maisalarawan ang kasiyahan niya sa naibigay sa kanya ng show.
@zackwey, “words aren’t enough to express the amount of happiness this show brought into my life. I am forever grateful #GoodBabyeBulilit.”
Sa ikalawang post ay patuloy sa kanyang throwback at reminiscing si Nash, kung saan makikita rin ang larawan nilang dalawa ng current girlfriend niyang si Mika dela Cruz.
Ang iba pang nagkaroon ng career dahil sa “Goin’ Bulilit” ay sina Kiray Celis, Sharlene San Pedro, Julia Montes, Kathryn Bernardo, at iba pa.
Wala pang advice kung ano ang ipapalit sa slot na iiwan ng show o kung bagong kids-oriented show ang bagong bubuksang programa.
###
Kung hindi umuwi ng Pinas si Marco Gallo, malamang isa na ito sa mga sumisikat na modelo sa Italy.
Sa panayam namin kay Marco sa opening ng unang branch ng Faces & Curves sa BGC noong linggo, sinabi nitong nakagawa na siya ng ilang projects sa Italy noong nag-stay siya rito nang halos isang taon. Umalis si Marco ng Pilipinas para mag-concentrate muna sa kanyang pag-aaral sa Italy.
Pero dahil sa kaguwapuhan nito at height, nakagawa siya ng ilang modeling stints at naging interesado sa kanya ang isang modeling agency.
Naudlot nga lang ang dapat sana’y pamamayagpag ni Marco sa mga runaway projects, billboard ads at brand endorsements nang magdesisyon siyang bumalik sa Pilipinas noong nakaraang taon.
Sabi ni Marco, mahal niya ang Pinas at ang karera niya rito kaya ito ang pinili niya.
Samantala, sina Ryza Cenon, Arci Muñoz, JM de Guzman ang ilan lang sa mga endorsers ng F&C na dumating sa opening ng unang branch nito na matatagpuan sa 2nd level ng High Street South Corporate Plaza, Tower 2, 11th corner 26th St. BGC.
Si Dr. Jesus Recasata, Jr. ang owner ng F&C, samantalang si Zaldy Herrera ang President katuwang sina Agnes Larorte, Subhadra Cayabyab, Dra. Sheila Recasata at Krizzia Ann Loyang. Tanabe.
(30)
168