NAGSIMULA nang mag-shoot ang bagong pelikula nina Vhong Navarro at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.
Sa Instagram account ni Vhong kamakailan, nag-post siya ng photos na kuha sa shooting ng naturang pelikula. May caption ito na: “[camera emojis] loading…” Sa comments section, nag-react si Pia ng, “Hello po – Sandra.”
Sinagot naman ito ni Vhong ng, “Hi Sandra @piawurtzbach – Biboy.” Malamang, Sandra at Biboy ang mga pangalan ng characters nila sa ginagawang pelikula. Bago pa ang post na ito ni Vhong, nauna nang nag-post si Pia (noong Mayo pa) ng “teaser” para sa pelikula sa kanyang Instagram account. Sabi ng post niya noon: “It’s a dark comedy. Very interesting. I play… psycho girlfriend siya. Kaya ko ba ‘yun? Kaya ‘yun!” Ang huling pelikula ni Pia ay ang My Perfect You kasama si Gerald Anderson (2018).
137