PILIPINAS AGAD DADALAWIN NG MANANALONG MISS UNIVERSE 2018!

Ikatutuwa nating lahat na Pilipinas ang unang pupuntahan ng magwawaging kandidata sa Miss Universe 2018 na gaganapin sa Bangkok, Thailand sa December 17.SCENES

Nalaman namin ang impormasyong ito mula kina RS Francisco at Sam Versoza, mga pinuno ng Frontrow. Affiliated kasi ang Miss Universe beauty pageant sa Frontrow at nagkataong sa December 17 idaraos ang Miss Universe 2018 sa Bangkok, Thailand, kaya nakuha namin ang nasabing good news.

Gaganapin naman ang charity music festival na Frontrow Cares, headed by Frontrow’s business partners RS and Sam, sa December 16 sa MOA Concert Grounds.

Ayon kay RS, hindi sila makapupunta ni Sam sa Thailand para manood ng Miss Universe dahil nga may charity music festival sila sa MOA. “I was telling Sam nga, ‘Paano ‘yan, 8 a.m. yung pageant, eh we’re required to be there. Pero itong musicfest might end four or five a.m., paano yung plane trip, three hours? So, sabi ko, since they’re coming here, eh di salubungin na lang natin sa airport,” banggit ni RS kapag dumalaw na Pilipinas ang tatanghaling Miss Universe.

Kasamang tutungo ng bagong Miss Universe sa bansa right after the pageant ang tatlo pang past Miss Universe winners na sina Iris Mittenaere ng France, Demi Leigh Nel-Peters ng South Africa, and our very own Miss Universe 2015 winner, Pia Wurtzbach.

May charity works daw na gagawin ang apat na beauty queens sa pakikipagtulungan ng Frontrow.

Wala pa mang bagong Miss Universe ay nakuha na ang impormasyong ito ng Frontrow dahil ayon kay Sam, “I think that’s one of the negotiations na kailangang gawin, kasi for endorsement na siguro yang sinasabi n’yo. But the new Miss Universe will be coming here just to do the charity works first.”

Ni-request na raw nila kay Paula Shugart, presidente ng Miss Universe Organization, na taun-taon ay ang Pilipinas muna ang destinasyon ng bagong mananalong Miss Universe. Alam din daw ni Ms. Shugart na ang mga Pilipino ay beauty pageant aficionados.

Speaking of international celebrities, ang Frontrow din ang magdadala sa Pilipinas ng sikat na K-Pop group na Momoland para sa sang Fan Meet ngayong December 3 sa ABS-CBN Vertis Tent sa Quezon City.

Samantala, ang ilan sa mga performer sa charity musicfest ng Frontrow Cares ay ang Parokya ni Edgar, Sponge Cola, Callalily, Ely Beundia, Billy Crawford, Gloc-9, Andrew E, Ex Battalion, Jake Zyrus at marami pang iba.

7

Related posts

Leave a Comment