VANCE LARENA KAMAHAL-MAHAL

“ I really love his aura, lalo na sa movie na Dead Kids. He’s the best. I also love his kilay tangina parang kayang-kaya akong ipaglaba.”

Post ‘yan ng isang Vance Larena  hibang fan na si C. V.

Kamahal-mahal nga si Vance.

Siya lang naman ang bida sa kauna-unahang  Philippine Netflix Original Film na ‘Dead Kids.’

Ai Vance Larena ay itinadhana na maging isa sa mga  malaking bituin sa henerasyong ito, hindi lamang sa ating bansa kungdi pati na sa buong mundo.

Kasama ng 24 anyos na actor,  ang singer na si Charles Blanco  na bida sa ‘Dead Kids’ na idinirek  ng magaling na si Mikail Red.

Napansin na ang galing ni Vance sap ag-arte nang nagging bida siya sa ‘Maalaala Mo Kaya,’ ‘Nang Ngumit Ang Langit,’ at sa ‘Ipaglaban Mo.’

Na-nominate na rin siya bilang Best Supporting Actor  sa Pista Ng Pelikulang Pilipino noong 2019 para sa Andoy Ranay film na ‘Open.’ Ganoon din sa ‘Bakwit Boys’ ni Direk Jason Paul Laxamana at sa  pelikulang ‘Liway’ ni Direk Kip Oebanda.

Itinanghal ding  Best  New Actor si Vance sa  Urduja Film Festival  noong 2019. Mabilis ngang nagging household name ang pangalan na Vance Larena. May   single din siyang inilabas m na may titulong ‘Pang-habangbuhay’ para   sa Star Music.

271

Related posts

Leave a Comment