INDIE ACTOR NAPANIGINIPAN ANG PAGSABOG NG TAAL

oleaPanay-panay ang shout out ng indie actor na si Miko Pasamonte sa Facebook. May pangitain daw siya na sasabog pa nang bonggang-bongga ang bulkang Taal.

“Hihigitan pa ang Pinatubo!” aniya.

Nang mag-alburoto ang nasabing bulkan noong Enero 12 ay nag-shout out na agad si Miko na napanaginipan niya iyon.

Nakatira si Miko sa Dasmariñas, Cavite, na malapit-lapit sa Tagaytay.

Kabilang sa indie movies ni Miko ang Kape Barako, The Escort, #LabYu at Kumpare.

MAKABUBUTING IPAGPALIBAN ANG SHOWING NG D’NINANG, NIGHTSHIFT AT  BLOCK Z

SHOWINGAbala pa rin ang mga tao sa pagtulong sa mga nasalanta ng pagsabog ng bulkang Taal sa Batangas. Maraming nakaka-inspire na kuwento.

Meron ding mga negatron, pero natatabunan ang mga iyon.

Pakiwari ko ay wala pang interes ang mga tao na manood ng local movies. Hindi ako makaramdam ng excitement sa mga pelikulang D’ Ninang (Ai Ai de las Alas at Kisses Delavin) at Nightshift (Yam Concepcion) na mag-o-open bukas, maging sa Block Z (Julia Barretto at Joshua Garcia) na magso-showing sa Enero 29.

Feeling ko ay mas makabubuting ipagpaliban ang showing ng nasabing movies. Ano sa palagay mo, Tito KC?

KISSING SCENES NI RUPAUL WALANG DAYA

AJ and The QueenMae-enjoy ng mga divaklong ang season 1 ng Netflix series na AJ and The Queen,  na pinagbibidahan ng 59-anyos na drag queen na si RuPaul.

Tarusch ang kissing scenes ni RuPaul, huh?! Walang daya!

Pogilicious ang hunks na nagbuyangyang na wetpaks, pero walang frontal nudity.

Iba-iba ang location ng bawa’t isa sa sampung episode, mula New York hanggang Dallas. Bonggacious at fabulous ang musical numbers, mula I Will Survive hanggang It’s Raining Men.

Sandamukal na drug queens ang may cameo rito, kabilang sina Bianca del Rio at Manila Luzon.

Agaw-eksena ang 53-anyos na si Tia Carrere bilang kontrabidang si Lady Danger.

Kumukurot at humahaplos sa puso ang istorya nito. (Proof ni Jerry Olea)

279

Related posts

Leave a Comment