AYAW pakabog nina Vina Morales at Zsa Zsa Padilla sa mga millennial bikini babes ngayong sunud-sunod ang pangangalandakan nila ng kanilang sexy body sa social media.
Nag-post si Zsa Zsa ng kanyang mga bikini pics na kuha sa isang private resort sa El Nido, Palawan. Samantalang makikita namang naka-white two-piece si Vina sa Miami, Florida.
Nakakabilib ang kaseksihan ng dalawa lalo na ni Zsa Zsa na 55 years old na, dahil hanggang ngayon punung-puno pa rin ng asim ang ganda at kaseksihan nito.
Mahihiya ang mga millennials sa lusog ng dibdib ng tinaguriang Divine Diva.
Sa edad na 43, hindi rin mapag-iiwanan sa karera ng “abs” ang kaseksihan ng tiyan ni Vina.
Kung ang ibang mga kasabayan ng dalawa ay hanggang throwback na lang at pagtatakip ng kanilang mga bikini – para hindi malantad ng buo ang kanilang katawan – sina Vina at Zsa Zsa, laban kung laban ng bikini shots!
###
Hindi nag-iisa sina Lara Quigaman at Andi Eigenmann sa pagkakaroon ng skin-imperfections dulot ng kanilang pagbubuntis at panganganak, gaya ng stretch marks at loose skin.
Kahilera na rin nila ang dating 90s actress at Kapamilya star na si Rica Peralejo na kaliwa’t kanan ang stretch marks sa kanyang tiyan.
Nag-post si Rica ng larawan ng kanyang tiyan sa Instagram wall nito.
Lumolobo sa laki ang tiyan ni Rica. At malinaw na makikitang parang may mga guhit ng kidlat at stretch marks ang tiyan nito.
Mapapanood sa video ang paggalaw ng buhay sa sinapupunan ng aktres.
Ang rason ng video post na ito ni Rica ay para ibahagi ang kasiyahan nito sa paggalaw ng kanyang anak sa loob ng kanyang tiyan, at ipahiwatig ang mensaheng tanggap at niyayakap niya ang kanyang mga stretch marks.
Gaya nina Lara, Andi, humahanga ang netizen sa walang pakialam nilang pag-akap sa kanilang mga stretch marks.
###
Feeling-proud sa mga sandaling ito si Pokwang dahil tumawid uli sa ibang bansa ang kanyang indie film na Oda Sa Wala.
Ang pelikulang nabanggit ay ang natatangi at unang Pinoy film na kalahok sa main competition ng Karlovy Vary International Film Festival sa Czech Republic.
Naka-post sa Instagram wall ng Kapamilya comedienne ang poster ng kanyang pelikula at may subtitle itong “THE FIRST AND ONLY FILIPINO FILM IN THE MAIN COMPETITION.”
Sey nga ni Pokie sa message caption nito ng poster, “Congratulations to my #odasawalateam yesssss!!! Paakk!!”
Sa June 28 hanggang July 6, 2019 ang festival. ‘Pag nasungkit ni Pokwang ang acting award, siya ang unang Pinay na nanalo sa nasabing international film fest.
808