SITYO SA PARAÑAQUE ISINARA, OSPITAL NG TONDO SARADO RIN

SUMASAILALIM ngayon sa calibrated containment at mitigation ang bahagi ng Brgy. San Martin De Porres sa Ikalawang Distrito ng  Parañaque City.

Apat na araw ang pagpapatupad ng calibrated containment and mitigation sa Sitio Malugay kasunod ng  clearing operation at decontamination ng mga tauhan ng Parañaque CENRO sa
nasabing lugar.

Mayroon na ngayong 103 na kabuuang confirmed cases ng COVID-19 ang Bgy. San Martin De Porres, 28 dito ay pawang aktibo.

Sa pangkalahatan, ang lunsod ng Parañaque ay mayroon nang 3,247 kaso ng COVID-19,  2,503 dito   ang gumaling samantalang 651 ang aktibo.

Samantala, pansamantalang hindi tatanggap ng pasyente ang Ospital ng Tondo sa Maynila matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang medical frontliners nito.

Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso, nakiusap ang director ng Ospital ng Tondo na isasara nila ng sampung araw ang pagamutan dahil nagkasakit na rin ang mga doktor at nurse na nag-aalaga sa mga pasyenteng may COVID-19.

Sinabi pa ng alkalde na sa loob ng sampung araw ay magkakaroon ng pagkakataon na makapagpahinga at makarekober ang medical frontliners bagaman patuloy nilang tututukan ang
kalagayan ng mga pasyente.

Tatanggapin pa rin ang pasyente ng ibang medical emergencies at nangangailangan ng immediate treatment habang ang iba ay ire-reffer sa limang pampublikong ospital na nasa ilalim ng lokal na
pamahalaan ng Maynila.

Noong Mayo, dalawang linggo ring isinara ang Ospital ng Tondo dahil sa pagkakasakit ng mga medical worker nito. (DAVE MEDINA/RENE CRISOSTOMO)

173

Related posts

Leave a Comment