(JULIET PACOT)
BINUBUSISI ng Bureau of Immigration (BI) at iba pang ahensya ng pamahalaan ang mga impormasyon na nagsasagawa ng small time operation ang mga kumpanya ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na napilitang magsara.
Sa lingguhang Meet the Press Forum sa National Press Club sa Intramuros, Manila, tinalakay ang mga usapin hinggil sa POGO hub at illegal Online Gaming operation.
Dumalo bilang guest si Ms. Dana Sandoval, spokesperson ng Bureau of Immigration, kasama si Mr. Richard Alvian ng Chinese Filipino Business Club. Host naman si NPC President Leonel ‘Boying” Magistrado.
Kaugnay nito, mas lalo pang paiigtingin ng pamahalaan ang operasyon laban sa mga POGO upang tuluyan itong matigil.
