PINUNA ni Pasig City Vice Mayor Christian “Iyo” Caruncho Bernardo ang pagiging “credit grabber” umano ni Pasig City Mayor Vico Sotto.
Ayon kay Caruncho, inaako ng alkalde ang credit sa pagpapabuti ng basic services sa lungsod na pinaghirapan at isinulong ng ibang opisyal.
Ang pahayag ni Caruncho ay kasunod ng isyu ng pang-iinsulto umano ng alkalde sa reputasyon ng pamilya Caruncho sa idinaos na flag raising ceremony sa City Hall.
Inihalintulad ni Bernardo si Sotto sa isang aktor na kinukuha ang credit ng tagumpay o kontribusyon ng ibang tao.
Sa kanyang Facebook page, binatikos ni Bernardo si Sotto na aniya ay ginamit pa ang flag ceremony sa Pasig City hall bilang kanyang campaign platform para dungisan ang reputasyon ng kalaban nya sa pulitika at pamilya nito.
“My purpose in speaking now is to protect the reputation of the Caruncho family, which you want to tarnish. Your latest flag ceremony was used for campaigning and you texted me confirming my attendance. Here’s my cell phone, I haven’t received any messages or calls from you,” ani Bernardo.
Maswerte aniya ang mayor dahil ngayong panahon niya ay mayroon nang social media na nagagamit ng mga kandidato, hindi gaya noon na ang pagkakapanalo sa eleksyon ay ibinabase sa kalidad ng serbisyo at direktang pakikipag-ugnayan sa komunidad.
Ayon kay Caruncho, pinagsabihan ni Sotto ang mga miyembro ng City Council nang itaas ang cash assistance para sa tricycle drivers mula sa P3,000 patungong P4,000 at dahil sa hindi pag-apruba sa pagbili ng LGU ng disinfectant drones at sa pagbasura din sa naising makapag-hire ng mga indibidwal na hindi naman residente ng Pasig.
