ISANG kongresista at 13 iba pa na kasama sana sa loob ng session hall kung saan nag-deliver ng kanyang ika-5 State of the Nation Address (SONA) si Pangulong Rodrigo Duterte, ang mistulang
“nahuli” na nagtataglay ang mga ito ng COVID-19.
Sa mahigit 100 na isinailalim sa Polymerase chain reaction (PCR) o swab test noong Linggo, 14 ang nagpositibo sa COVID-19 na kinabibilangan ni Deputy Speaker Johnny Pimentel ng Surigao del Sur.
“I’m ok asymptomatic for the moment and I’m in isolation now. I learned at 11:30 pm last night I was positive,” pagkumpirma ni Pimentel sa mga mamamahayag sa Kamara.
Bukod sa mambabatas, tatlo pa mula sa hanay ng House of Representative staff ang nagpositibo sa COVID-19 at pito naman mula sa Internal House Affairs Office (IHAO) na nasa ilalim ng Office of the President at tatlo naman sa Presidential Security Group (PSG).
Sadyang hindi na inilabas ng Saksi Ngayon ang pangalan ng iba pang nagpositibo sa COVID-19 bilang proteksyon sa mga ito subalit nagsasagawa na umano ng contract tracing ang Kamara para
malaman kung sino ang nakasalamuha ng mga ito.
Bilang pag-iingat na hindi kumalat ang COVID-19 sa SONA ni Duterte, sumailalim sa mandatory swab test ang lahat ng papasok sa loob ng session hall para personal na saksihan ang SONA ni
Duterte.
Bago buksan ang Kongreso nitong Lunes, nagkaroon din ng mandatory rapid test ang iba pang mga empleyado ng Malacanang, Kamara, Senado at iba pang ahensya ng gobyerno bago pinapasok ang mga ito sa Batasan Complex.
Dahil dito, umakyat na sa 26 ang tinamaan ng COVID-19 sa Kamara kasama si Sulu 1st District Congressman Samier Tan na kasalukuyang naka-home quarantine sa nasabing lalawigan.
Kabilang sa mga ito ang tatlong pumanaw dahil sa nasabing virus na kinabibilangan ng dalawang staff ng Bills and Index Division at Printing Office ng Kamara at isang chief of staff ng isang Luzon Congressman. (BERNARD TAGUINOD)
