SOLON ITINUTULAK ANG FULL OPERATION NG SALON, BARBER SHOPS

NAGPAPASAKLOLO kay ACT CIS Partylist Representative Niña Taduran ang mga may-ari ng salon at empleyado nito para hilingin sa Department of Health at Department of Trade and Industry na payagan ang kanilang full operation sa kabila ng umiiral na general community quarantine.

Napag-alaman ng House Asst. Majority Floorleader na mas nalulugi at nawawalan ng kliyente ang mga salon at barber shop dahil limitado lang sa paggugupit ang kanilang serbisyo. Ang karamihan din sa kanilang parukyano na senior citizens ay hindi pinapayagang makapunta sa kanilang shop.

“I know that the government, particularly the Health Department, is just concerned that staying in public places for long hours is a great risk for COVID-19 exposure. But if proper disinfection, wearing of personal protective equipment and social distancing are implemented, the risk will be lower,” ayon kay Taduran.

Sinabi ng mambabatas na mas malaki pa ang panganib kapag ang mga salon worker ay nagsasagawa na lang ng home service sa kanilang mga kliyente.

“Dumidiskarte na lang ang mga empleyado ng salon na walang kinikita. Nagho-home service sila para magkulay ng buhok at mag-manicure at pedicure. Hindi ba mas delikado ‘yun kaysa pumunta ang kliyente sa kanilang salon?” ang tanong ni Taduran.

Mahigit sa kalahating milyong may-ari at empleyado ng salon ang apektado ng paghihigpit sa community quarantine. (CESAR BARQUILLA)

141

Related posts

Leave a Comment