SOLON: NAKAWAN SA PHILHEALTH, MAS MALALA SA PLUNDER

philhealth12

(NI BERNARD TAGUINOD)

MASs malala sa mga plunderer, ang mga magnanakaw sa pondo ng Philhealth dahil ninanakawan ng mga ito ang mga may sakit na nangangailangan ng agarang tulong gamit ang kanilang sariling kontribusyon sa nasabing state insurance fund.

Ito ang pahayag ni Anakkalusugan party-list Rep. Mike Defensor, na hindi kontento sa kasong isinampa sa mga may-ari ng WellMed Dialysis Center na pawang mga administrative cases lamang.

“Stealing from PhilHealth is worse than plunder! Every centavo stolen means depriving another person’s life,” kaya hindi dapat administrative cases lamang umano ang dapat isampa sa mga may-ari ng WellMed

Kailangan ding umanong may mapanagot sa Philhealth dahil hindi ito ang unang pagkakataon na ninanakawan umano ang mga miyembro ng nasabing insurance lalo na ang mga may sakit.

Tinukoy ng mambabatas ang pneumonia scam kung saan nagbayad ang Philhealth ng P10 Billion sa mga hospital at iba pang healthcare providers kahit walang pneumonia epidemic.

“We are well aware of the ‘pneumonia scam’ that occurs in PhilHealth. While last year, the Department of Health claimed that there was no pneumonia epidemic, P10 billion was paid by PhilHealth to hospitals and other healthcare providers,” ani Defensor.

Walang naparusahan dito at muling naulit sa anomalya sa pamamagitan ng operasyong ginawa ng mga eye clinic sa katarata ng mga miyembro ng Philhealth, ilang taon lang ang nakalilipas, kahit walang basbas ang mga pasyente upang mapalaki ang kanilang kinokolektang bayad.

Ganito din ang pahayag ni CIBAC party-list Rep. Bro. Eddie Villanueva kaya kailangang magkaroon aniya ng katarungan at tapusin na ang mga anomalyang nangyayari sa Philhealth.

“We will not allow real and needy patients be robbed of the benefits and medical treatments while those who are liable for such corrupt practices remain at large,” ani  Villanueva.

 

233

Related posts

Leave a Comment