SOLON SA ONLINE GAMBLING BILLIONAIRES: MAHIYA DIN KAYO

“SA mga bilyonaryong kumikita sa online gambling at e-sabong, tama na. Mahiya din kayo”.

Ito ang mensahe ni Cagayan Rep. Rufus Rodriguez sa mga bilyonaryo na nasa likod ng mga nasabing sugal na sumisira sa buhay at lalog nagpapalubog sa kahirapan sa mahihirap na mananaya.

Sa kanyang privilege speech kahapon, sinabi ni Rodriguez na hindi niya maatim na manahimik na lamang sa kaso ng mga pamilyang nasisira sa aniya’y ‘digital plague: o online gambling kasama na ang e-sabong.

“The numbers and stories paint a disturbing reality. Gambling, once confined to casinos and cockpits, now hides in our mobile phones – accessible 24/7, to our people, including children and the youth, often with no age restrictions, and just a click away from financial ruin,” ayon sa mambabatas.

Sa ngayon aniya ay lahat ng tao, kasama na ang mga menor de edad ay pwedeng magrehistro sa mga gambling apps at idaan sa kanilang taya sa mga e-wallet tulad ng GCash, Paymaya at Shopee Pay at sa isang iglap ay ubos ang kanilang pera.

Lalong nakababahala umano ang pag-aaral ng Digital Risk Observatory ngayong taon na 34 million Pilipino o isa sa bawat 3 na nasa tamang gulang ay nagsusugal sa iba’t ibang online gambling.

Base rin aniya sa survey, 64% sa mga respondent ang umamin na tumataya ang mga ito sa mga online gambling at mayorya sa mga ito ay araw-araw nilang ginagawa.

“Around 30 percent of users are between the ages of 15 and 24, and many of them started playing before reaching the age of 18. Our laws and our digital systems are failing to protect our youth,” dagdag pa ng mambabatas.

Hindi rin naitago ni Rodriguez sa kanyang privilege speech kahapon ang matinding pagkadismaya sa top 15 celebrities na kinabibilangan nina Ivana Alawi, Vice Ganda at Alden Richards sa pag-endorso sa mga online gambling.

“These endorsement are often packaged as lifestyle content, making gambling appear harmless and aspirational,” ani Rodriguez subalit sa likod aniya nito ay maraming pamilyang nasisira at nababaon sa kahirapan.

Inihalimbawa ng mambabatas ang kaso ng isang jeepney driver na natalo ang kanyang buong maghapong kita sa online gambling habang sa isang bayan aniya sa Cagayan de Oro, isang residente ang nagpatiwakal dahil sa pagkalulong sa nasabing sugal.

“Walang katumbas na pera ang buhay ng isang tao o ang saya ng isang pamilya. Huwag na nating dagdagan pa ‘yung mga nawawalang sabungero,” ayon pa kay Rodriguez.

Bagama’t bilyon-bilyon ang kinikita ng gobyerno sa e-sabong at ibang online gambling activities subalit ang kapalit aniya ay broken families, mental health issue, domestic abuse at youth addiction.

“A financial gain for the few must not justify suffering for the many. Gambling is not a sustainable driver of development – it is a trap for the poor and a poison to our culture,” giit pa ng kongresista kaya kailangan aniyang ipatigil na ito sa lalong madaling panahon.

(BERNARD TAGUINOD)

147

Related posts

Leave a Comment