Solon sa pagbasura sa kaso ni Ongpin DRUG WAR NI DU30 PARA LANG SA MAHIHIRAP

TUMIBAY ang duda ng mga kritiko ng administrasyon na para lamang sa mahihirap na Pilipino ang drug war ni Pangulong Rodrigo Duterte nang ibasura ng korte sa La Union ang drug case ni Julian Ongpin.

Reaksyon ito ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas matapos ibasura ni Presiding Judge Romeo Agacita Jr. ng San Fernando RTC Branch 27, ang kaso ni Ongpin dahil sa teknikalidad.

“The dismissal of Julian Ongpin’s drug case even after testing positive with 12.5 grams of cocaine is proof that the Duterte drug war is aimed to kill the poor & jail critics while giving free pass for the rich & powerful,” ani Brosas.

Si Ongpin ay anak ng bilyonaryong si Roberto Ongpin at kilala umanong makapangyarihan sa Pilipinas.

Magugunita na noong September 18, 2021 ay namatay ang kasama ni Ongpin sa tinutuluyang hotel sa isang resort sa La Union na si Breanna “Bree” Jonson na isang visual artist.

Nakakuha umano ng 12.5 gramo ng cocaine ang mga pulis La Union sa hotel room ni Ongpin at nagpositibo umano ito sa drug test kaya kinasuhan ito ng Department of Justice (DOJ) ng illegal possession of illegal drugs na walang piyansa.

Gayunpaman, hindi umano sinunod ng mga pulis ang tamang proseso sa paghawak sa ebidensya kaya ibinasura ang drug case ng batang Ongpin at inalis na rin ang hold departure order (HDO) laban sa kanya.

“This is the Dudirty legacy that they want to maintain in 2022,” ayon pa kay Brosas.

Sa kabila nito, tiniyak ng mambabatas na tututukan nila ang pending case ni Ongpin sa DOJ hinggil sa pagkamatay ni Jonson. (BERNARD TAGUINOD)

156

Related posts

Leave a Comment