NALALAPIT na ang paghuhukom.
‘Yan ang babala ni Albay Rep. Edcel Lagman kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng diumano’y mapangahas na krimeng ikinasawi ng hindi bababa sa 6,000 katao sa inilunsad niyang giyera kontra droga.
Ani Lagman, mananagot na ang pangulo kasunod ng go-signal ng International Criminal Court (ICC) para simulan ang imbestigasyon sa kasong crime against humanity laban kay Duterte.
“The adage that crime does not pay may finally catch up with President Rodrigo Duterte after the International Criminal Court (ICC) approved the full investigation of crimes against humanity and other heinous offenses consequent to Duterte’s horrific war against drugs,” ani Lagman.
Bukod sa naitalang 6,000 kataong nasawi mula nang maging pangulo, pasok din sa sisilipin ng ICC investigation ang mga panahong inilagi ni Duterte bilang mayor at vice mayor ng Davao City, mula 2011 hanggang sa bumaba ito sa pwesto noong 2016 para kumandidatong Pangulo.
Ayon sa mambabatas, mismong ang gobyernong Duterte ang umamin na umaabot sa 6,000 ang napatay sa madugong kampanya laban sa droga bagamat higit na malaki ang pagtataya ng iba’t ibang local at international human rights groups sa bilang ng mga nasawi sa pamamagitan ng extra-judicial killings (EJK).
“The ICC’s go-signal for the comprehensive investigation comes in the heels of the Supreme Court unanimous decision that Duterte cannot escape the ICC’s jurisdiction by invoking the Philippines’ withdrawal before it became effective,” saad pa ng kongresista.
Ipinagbunyi naman ng militanteng grupong Bayan Muna ang desisyon ng ICC dahil sa wakas anila ay malapit nang makamit ng mga biktima ang mailap na katarungan.
“A whiff of good news long awaited in the midst of this climate of impunity that is running amok in the country today. The time for reckoning and accountability is near. We hope the investigation would start in earnest, to stem the increasing and rampant killings in the country,” sambit naman ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate.
Bukod kay Duterte, sakop din umano ang kasabwat ni Duterte sa war on drugs na nagpatupad ng nasabing kampanya laban sa mga ilegal na droga kung saan hindi na mabilang ang inosenteng nadamay lang dahil sa maling hinala – tulad ng 17-anyos na si Kian delos Santos.
Nangangamba ang mambabatas na habang nakakalaya pa at nananatili sa puwesto si Duterte ay magpapatuloy umano ang patayan sa bansa.
Kaya naman panawagan ni Zarate sa ICC, paspasan ang imbestigasyon.
Hinamon naman ni Bayan chairman Neri Colmenares si Duterte na payagan ang ICC prosecutors na pumunta sa bansa para magsagawa ng imbestigasyon kung talagang malinis ang konsensya ng pangulo.
“We reiterate our challenge to President Duterte, if you have nothing to hide then allow the ICC investigation to be conducted in the Philippines and also present your evidence to the ICC,” ani Colmenares bilang tugon kay presidential legal counsel Salvador Panelo na nagsabing walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas, kasabay ng babalang hindi pahihintulutang tumuntong sa bansa ang kinatawan ng ICC para sa imbestigasyon.
“Your refusal to submit your evidence will mean to many that you have no evidence to present and you are guilty. The families of the EJK victims have been searching for justice for years. The day of reckoning is near,” ani Colmenares.
Hindi naman ikinagulat ni Magdalo partylist Rep. Manuel Cabochan ang reaksyon ng Palasyo.
“We expect Duterte and his cohorts to not cooperate and deny the smooth conduct of the investigation. This will gravely undermine the rule of law. It is a desperate and selfish act to protect themselves before the public’s interest. Kung sabagay matagal nang undermined ang rule of law at public interest sa administrasyong ito” pasaring ni Cabochan sa administrasyong Duterte.
Gayunpaman, hindi umano ito hadlang para hindi ituloy ng ICC ang kanilang imbestigasyon at paglilitis sa kaso laban kay Duterte at mga kasamahan nitong nagpatupad sa war on drugs na ikinamatay ng mga inosenteng mamamayan na walang kinalaman sa ilegal na droga.
“The truth shall come out, and it will certainly prevail in the end. The end is near for Mr. Duterte,” pahabol ni Cabochan. (BERNARD TAGUINOD)
190
