SOTTO SA DOH: PAGKALAT NG DELTA VARIANT, AGAPAN

KINALAMPAG ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang Department of Health (DOH) upang maglatag ng mga hakbangin upang maagapan ang pagkalat ng Delta variant ng COVID-19.
Sinabi ni Sotto na dapat handa ang mga policy-maker at health experts sa posibilidad ng pagtaas ng kaso.

“Handa na ba ang ating gobyerno kung sakaling magkaroon ng surge ng COVID-19 cases na dulot ng Delta variant? May mga nakahanda na bang response measures? Handa ba ang ating mga healthcare facilities at workers sa pangyayaring ito? Mahalagang maramdaman ng ating mga kababayan na kumikilos ang kanilang mga lider para siguruhin ang kanilang kaligtasan,” saad ni Sotto.

Inirekomenda ni Sotto ang muling pagpapatupad ng mas mahigpit na protocols laban sa mga mass gatherings na kadalasang nagiging superspreader.

“Pwede naman pong GCQ or general community quarantine ang ating classification pero maghigpit tayo sa mga mass gatherings. Aminado po akong mahalagang ituloy natin ang economic recovery ng ating bansa, but it is equally important to make sure that our people are safe from the virus. The public’s good health should be the ultimate target when coming up with response measures,” paliwanag ni Sotto.

Suportado rin ng lider ng Senado ang rekomendasyon ng 17 alkalde sa Metro Manila na ipatigil ang outdoor activities sa mga batang edad limang taong gulang pataas.

“Maraming pwedeng gawin para panatilihin ang kaligtasan ng ating mga kababayan. Let us be proactive. Huwag na nating ulitin ang ating mga pagkakamali noong nag-uumpisa pa lamang ang pandemic dito sa ating bansa. Kumilos na tayo habang maaga pa, habang wala pang surge. The time to act is now,” dagdag ni Sotto. (DANG SAMSON-GARCIA)

150

Related posts

Leave a Comment