Source ng hawaan sa government offices GOV’T OFFICIALS NO. 1 PASAWAY

(BERNARD TAGUINOD)

NAGING “source of infection” sa COVID-19 ang ilang government offices kaya biglang dumami ang kaso kung saan sa mga nagdaang araw ay hindi bumababa sa 9,000 ang naitalang nagpositibo sa nasabing virus.

Isa ito sa mga labis na ikinadismaya ng isang mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso matapos makatanggap ng report na mula sa government offices ang mga tinamaan ng COVID-19.

“I am also frustrated that some government offices have become sources of infection. We received information from the Quezon City Government that some 310 cases this year were from national government offices,” ani Albay Rep. Joey Salceda.

Hindi na nagbigay ng impormasyon kung saan tanggapan ng gobyerno sa Quezon City ang naging source of infection sa COVID-19 subalit labis itong ipinagtataka ng mambabatas dahil hindi na pinapayagang bumalik sa trabaho ang lahat ng empleyado.

Karamihan sa government offices ay nasa bisinidad ng Quezon City Circle tulad ng Department of Agriculture (DA), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Philippine Coconut Authority, Department of Agrarian Reform (DAR) at iba pa.

Mula noong nakaraang taon ay tanging ang mga kailangang pumasok lamang ang pinagre-report sa mga opisina kaya itinakda sa hanggang 30% lang ang work forces habang ang 70% ay work from home upang makontrol ang hawaan sa COVID-19.

Dahil dito, ipinagtaka ni Salceda kung bakit naging source of infection ang ilang government offices tulad ng iniulat ng Quezon City government.

Unang sinabi ni Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite na may mga report itong natanggap na nagkakaroon umano ng party sa ilang tanggapan ng gobyerno habang nagpupulong ang mga opisyales na walang face mask kaya dumami ang hawaan sa ilang tanggapan.

 

COVID-19
CAPITAL

PINALAGAN at itinatwa ng Malakanyang ang ulat na COVID-19 capital na ang Pilipinas.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, ang pagdami ng mga kaso ay dahil sa variants mula sa UK, South Africa, Brazil at Pilipinas.

Subalit bagama’t sa buong daigdig aniya ay problema ang matinding pagdami ng kaso ay nananatili ang Pilipinas bilang Number 30 pagdating sa total cases ng covid sa buong mundo.

Ang active cases aniya ay nasa #22 ang Pilipinas; cases per 1 million ay nasa #134 ang Pilipinas habang pang-#82 naman pagdating sa Case Fatality Rate.

“So, kung mayroon po kayong nakitang fake news na tayo raw ay covid capital.. puwede ba ho ilagay ninyo sa noo nila itong mga ranking na nalathala po ng WHO,” ayon kay Sec. Roque.

Sa kabilang dako, inanunsyo ng Malakanyang ang nais nitong makamit matapos ang 7 araw na pagsasailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Mapababa ani Presidential spokesperson Harry Roque ang bilang ng aktibong kaso dala ng COVID-19 surge mula sa mahigit 9, 000 ngayon.

Iprinisinta rin niya ang infographic ng magiging quarantine status matapos ang isang linggong ECQ.

Sa kabilang dako, bumalik na aniya sa normal ang healthcare capacity na ngayon ay nasa critical level.

“Iyan po yong second objective natin noh?” ani Sec. Roque.

Ang pangatlong objective naman aniya ay mailigtas ang buhay ng marami.

Kasabay nito aniya ang pag-ECQ ay mapalakas pa lalo ang “prevention, detection, isolation, at treatment”.

Sa prevention aniya ay istriktong ipatutupad ang public health standards at safety protocols na mask, hugas, iwas at bakuna.

Sa detection naman ay gagawin ang pagbabahay-bahay para matukoy ang mga aktibong kaso sa pamamagitan ng CODE Team.

Sa testing naman ay paiigtingin na sa ngayon ay nasa mahigit 50,000 kada araw.

Palalakasin din aniya ang contact tracing sa pamamagitan ng StaySafe.ph

Ang mabuting balita pa rin aniya ay plantsadong-plantsado na ang StaySafe.ph. (CHRISTIAN DALE)

125

Related posts

Leave a Comment