2024 National Women’s Month LIPUNANG PATAS SA BAGONG PILIPINAS: Kakayahan ng Kababaihan, Patutunayan!

Simula Marso 1 hanggang Marso 31, 2024 ipinagdiriwang ang National Women’s Month sa ibat-ibang tanggapan ng gobyerno sa buong bansa bilang pagkilala sa kahusayan na naiaambag ng kababaihan sa lipunan.

Ang tema ay “We for gender equality and inclusive society” at sub-theme na “Lipunang Patas sa Bagong Pilipinas; Kakayahan ng Kababaihan, Patutunayan!”, tungo sa pagbabago ng kaugalian o pananaw at kulturang naiuugnay sa kasarian.

TRATO SA KABABAIHAN NABAGO NA

Ang pagpupugay kay inay, kay ate at kay inday kasama na ang pagsusulong ng kanilang mga karapatan upang magkaroon ng patas na oportunidad at representasyon sa ating lipunan.
Sa makalumang kaugalian namulat tayo na si inay, ate at iba pang kababaihan ay mas mababa ang kanilang karapatan kung ikukumpara sa mga kalalakihan.
Kadalasan din ang kababaihan sa nabanggit na panahon ay nasa bahay lamang sila para mag-alaga ng mga anak, gumawa ng mga gawain bahay at maghintay sa pagdating ng kanyang asawa.
Sa paglipas ng mga panahon ay tila nababago na ang pagtrato sa mga kababaihan dahil sa kanilang ipinakikitang aktibong partipasyon sa mga gawain na kahit para lamang sa mga kalalakihan.

TRABAHO NG KALALAKIHAN, NAPASOK NA NG KABABAIHAN

Dati-rati ang propesyong para lamang sa mga machong imaheng lalaki ang trabahong sundalo, pulis, piloto, bus, truck, tricycle drivers, construction worker at iba pa ay napasok na rin ngayon ng mga kababaihan.
Maging ang pulitika na dati-rati ay para lamang sa mga kalalakihan ay napasok na rin ng mga kababaihan.
Napatunayan na pag ang driver ng pampasaherong bus ay babae ay mas maingat pa ito magmaneho kung ikukumpara sa lalaki.

PAGPUPUGAY SA KABABAIHAN

Dahil sa mga naipakitang galing ng mga kababaihan sa larangan ng mga nasabing mga trabaho ay binibigyan sila ng mga pagkilala sa ibat-ibang tanggapan ng gobyerno.
Sa pagsimula pa lamang ng unang araw ng buwan ng Marso 1 hanggang Marso 31 ay ipinagdiriwang na ng ibat-ibang opisina ng gobyerno sa pamamagitan pagbibigay pugay sa kanilang naiaambag sa mga pamahalaan.
Sa unang araw pa lamang ng buwan ng Marso 2024 ang Philippine Commission on Women sa pamamagitan ni Atty. Nevi Calma, Information Officer at Team Lead ng Social Marketing Section ay ibinahagi na ang ilang impormasyon at aktibidad kaugnay ng National Women’s Month Celebration. Napapanood ito sa TV sa Channel 3 sa TVPlus at Channel 45-49 naman sa Affordabox. Naka-livestream din sa Facebook page ng PCW at Radyo Pilipinas.

MGA BATAS SA PAGKILALA SA KABABAIHAN

Ang Proclamation No. 224 s. 1988, “Declaring the First Week of March of Every Year as Women’s Week and March 8, 1988, and Every Year Thereafter as Women’s Rights and International Peace Day.” Nilagdaan ni dating Pangulong Corazon C. Aquino noong Marso 1, 1988, pinagtibay nito ang ating pagkakaisa kasama ng United Nations at kinilala ang mga Pilipinong kababaihan sa kanilang naimbag sa pakikibaka sa pambansang kasarinlan, mga kalayaang sibil, pagkapantay-pantay at mga karapatang pantao.

Nilagdaan din ni Pangulo Aquino noong Marso 17, 1988 ang Proclamation No, 227 s. 1988, “Providing for the observance of the Month of March as ‘Women’s Role in History Month’.”

Binigyan-diin niya ang papel ng Pilipinong kababaihan sa social, cultural, economic and political development sa pamamagitan ng history ng Pilipinas.

Kasunod nito ang paglagda niya sa R.A. 6949 s. 1990, “An Act to Declare March Eight of Every Year as a Working Special Holiday to be Known as National Women’s Day” noong Abril 10, 1990.

Sa batas ito lalong pinalakas ang pwersa upang ipagdiwang sa pamamagitan ng pagdedeklara na kada Marso 8 bilang isang special working holiday at pag-uutos sa mga empleyado sa gobyerno man o sa pribado na makiisa sa mga aktibidad na isinasagawa ng kanilang mga opisina.

Kaugnay nito, sa kasalukuyang lahat ng mga tanggapan ng gobyerno sa buong bansa ay ipinagdiriwang ang buwan ng Marso bilang pagkilala sa mga kababaihan at sa National Women’s Month.

(Joel O. Amongo)

84

Related posts

Leave a Comment