99 entries abante sa World Slasher Cup 1 semis

Nasa 99 entries ang aabante na para sa 3-cock semi-finals sa Enero 31, Myerkules, matapos malagpasan ang 2-cock elimination round ng unang edisyon ng 2024 World Slasher Cup 9-Cock Invitational Derby sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum.

Uusad sa susunod na round ang mga kalahok na nakapagtala ng tig-dalawang panalo, habang yung mga naka-iskor ng tig-isang panalo ay mananatili pa rin sa kumpetisyon para sa inaasam na titulo.

Sasagupa sa semis ang mga BRCY Twin Dragon, BLJ 76 Tagumpay, For The Love Of The Game, Spartans Uno, Mary Jay, Lenman GF/Golden Bee, I’ll Be There 1, Chicken Joy GF, King Lawis Apex Care Fiscalizer, Third, ADP/Sapang Bato, Cali Dreamers/Lions Den Lagitik, Princess Niña CPB March 23 33k pot J&D, JLC 143, New Montalban Cockpit Arena, Goldquest Hagibis LDI, SF VIM Sagupaan Kingcutter & B50, Rapado Gigmoto Triump Impact, G.A. Gamefarm, Gallman Cali Dreamers, at Inky/White Country CPB/Reaper Hawks 1, na mayroong tig-dalawang panalo at wala pa ring talo pagkatapos ng 2-cock elimination round.

Aabante rin sa susunod na round ng kumpetisyon ang JMT Kamikaze Crowsland, NBN 1717/CTV 7788, JV ARC Combine, Texas Cockpit Arena, Morning Sun Nov 22, Old Marilao, JLAC, Infiniti Gold 888 April 20 Uno, and Triple Diamond matapos makapagtala ng tig isang panalo at isang tabla sa elimination round.

Pasok pa rin sa susunod na round ng kumpetisyon ang mga entries na nakapagtala ng tig-isang panalo at isang talo.

Ang mga magnanalo sa semi-finals ay aabante sa 4-cock pre-finals sa Pebrero 3 at grand finals sa Pebrero 4 kung saan hihirangin ang bagong kampeon ng World Slasher Cup.

May kabuuang 248 entries ang mga kalahok sa nasabing torneo ngayong taon. Samantala, nasa 115 sultada naman ang nakatakda para sa ikalawang araw ng eliminasyon ngayong gabi, Enero 30.

Sa mga nais na masaksihan nang live ang nasabing derby sa Smart Araneta Coliseum ay maaari po silang bumili ng ticket sa Ticketnet o di kaya sa www.worldslashercup.ph.

66

Related posts

Leave a Comment